CHAPTER TENELLE's:
Dito ako dinala ni Shawn sa condo niya. Nasa kwarto niya siya, nagbibihis ata. Mabuti na lang at nawala na rin ang sakit ng puson ko. Pero alam ko maya-maya lang ay mananakit nanaman siya.
Tss. Pahamak kasi ang pagiging slave ko kay Shawn eh. Kaasar -____- Hindi ko na nga pala siya tinatawag na Shawn sa isip ko lang. Yun ang usapan namin eh, since natalo ako sa laro namin. I mean sa basketball. Pero sa laro ko, na lalaruin din daw niya? Never akong magpapatalo.
Paglabas ni Shawn ng kwarto niya ay nagtungo siya sa kusina kaya sumunod ako.
"Cook for me tonight." Sabi niya at ininom ang tubig na nasa baso na hawak niya.
Napasimangot ako. Seriously?
"Ano bang gusto mong lutuin ko, mahal na hari?" Tanong ko. Pwe! mahal na hari my ass! -______-
"Chicken adobo. Can you cook that?" Aba! Anung akala niya sakin di marunong magluto?
"Maupo ka na lang sa may sala o kaya magpakalunod sa bathroom mo. Tatawagin na lang kita kapag luto na po mahal na hari. At hwag kang mag alala di ko lalagyan ito ng lason." Sabi ko at inihanda na ang nga gagamitin ko sa pagluluto.
"Tch." Rinig kong reklamo niya at umalis na rin.
Una ko munang ginawa ay hiniwa ang mga rekados, at binabad ang manok sa tubig para malinisan at mawala ang dugo.
Sunod naman ay sinalang ko na ang kaserola at pinainitan ito. Hinintay ko muna na mag apoy siya ng bahagya hanggang sa lagyan ko na ito ng konting mantika at nag-gisa ng bawang at sibuyas.
Habang iniintay kong muluto ang manok ay nagsaing muna ako ng kanin.
Nagdaan ang isang oras, sa wakas ay tapos na rin akong magluto. Hinango ko na ang adobo at nilagay sa isang bowl at hinanda ang pagkakainan namin ni mahal na hari.
Nang matapos ako ay naghugas muna ako ng kamay bago puntahan si Shawn sa kwarto niya.
Kinatok ko na ang pinto ng kwarto niya. Agad niya naman itong binuksan.
"Luto na po, mahal na hari." Sabi ko at tinalikuran na siya at nauna ng magpunta sa lamesa kung saan nakahanda ang mga pagkain.
Nagsandok na ako ng kanin at ulam.
Tahimik lamang kaming dalawa na kumakain. Walang imikan. Tanging tunog lang ng kutsara na tumatama sa plato ang aming naririnig.
Sa kalagitnaan pagkain namin ay bigla nanamang sumakit ang puson ko.
Kaya napatigil ako sa pagkain.
"S-shawn. Uuwi na ako." Sabi ko at tumayo na.
"You can't." Napalingon ako sa kanya.
"Ano'ng I can't?! Gabi na. Ano hindi pa rin ba pwedeng magpahinga ang slave mo?" Inis na tanong ko sa kanya.
Tumayo siya at hinila ako papasok sa kwarto niya.
OMG! baka gusto niya munang may mangyari sa amin bago ako umuwi. Nako ha! Mayron ako. Aba ang landi ko. Pero hindi pwede. Mga past boyfriends ko nga never aking nahalikan o nahawakan eh. Siya pa kaya! Aba swerte niya lang huh.
"Stop thinking non sense." Sabi niya at pinitik ang noo ko.
"Aray huh!" reklamo ko.
"Tch." Hinila niya nanaman ako papunta sa terrace niya.
OMY! Ang lakas ng ulan. Halos magbaha na rin sa daan sa sobrang lakas ng ulan.
Napatingin naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Love You, But I Hate You [Editing]
Teen FictionI LOVE YOU, BUT I HATE YOU By: BLACKBEHIND♥ You are just a typical famous bitch in your campus. You get all what you want, and all men will turn their heads just to see you. Even though they are with their girlfriends. You like how can you attract m...