C16: Surprise

141 3 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

ELLE's:

"Kim, I think you should be nice to your soon to be husband." Nakangiting sabi sa akin ni mommy.

Urgh! Seriously? After the party and their shitty announcement, ang gusto naman nila ngayon ay maging mabait ako kay Shawn? Really huh?! Nilalayuan ko nga yung tao eh. Aish!

Kim. Yan ang tawag sa akin ni mommy. Eew~ masyadong girly. Ayoko sa lahat tinatawag ako'ng Lielle o kaya Kim. Pero ang lakas lang ng loob ni Shawn nung time na nadukot ako, tinawag niya ako'ng Lielle.

Tss. Pero okay lang. Tinatawag ko naman siyang Shawn eh. Patas na kami!

Napatingin ako sa taong nasa harap ko. Andito si Shawn, umagang umaga! Oo, tama kayo ng nabasa. Andito si Shawn, nag uumagahan.

Inimbitahan daw siya nila mommy. Tss. Kapag tinitignan ko si daddy, umiiwas lang siya ng tingin.

Alam naman nila na ayoko ng mga ganitong set-up eh. Sa parents ko? Si daddy ang pinakaclose ko, daddy's girl ako eh. Si mommy, pag may problema ako sa kanya ako iiyak tapos ico-comfort niya lang ako.

Mabait naman parehas ang parents ko, sadyang maka-daddy lang talaga ako noon. Pero iba na ngayon dahil nagkasira kaming dalawa ni dad. Kahit nasa ibang bansa sila hindi ako nakakalimutang tawagan at kamustahin ni mommy. Pero lagi akong wala kaya si butler na ang sumasagot ng mga tawag nila at ng mga katanungan nila about sa company namin dito sa Pilipinas, sa mansyon at sa pag aaral ko.

Next week, babalik na ulit sila sa Singapore dahil hindi pa raw tapos ang mga appointments nila doon. Tapos magbubukas nanaman sila ng panibagong branch ng mall at kumpanya namin sa Japan. Haay. Ang busy ng parents ko.

Bigla ko namang naalala yung kapatid ko.

"Mom, I have something to ask you." Sabi ko kay mommy.

Napatingin naman sila sa akin ni daddy. Liban kay Shawn na walang imik na kumakain.

"What is it, baby?" Tanong ni mommy sa akin.

"Uhmm. Bumali—" hindi ko na naituloy pa ang kasunond kong sasabihin dahil sa biglaang pagsabat ni mom. Si dad, bumalik na sa pagkain niya.

Ganyan naman yan eh. Wala siyang pakialam sa akin.

"Oh wait, before asking random question. I want you to know that I bought a new house." Sabi ni mom.

Nangunot naman ang noo ko.

New house? Para saan naman? May mansyon naman kami.

"For what?" Tanong ko.

Nasilayan ko ang kakaibang ngiti ni mommy.

"For you and for Shawn. Magkasama na kayong titira doon starting tomorrow. Don't worry kumpleto na ang mga gamit doon at fully paid na rin siya, wala na kayong po-problemahin." Nakangiting sabi ni mommy.

Ako? SHOCK!

Hindi na ba matatapos ang araw na hindi ako magugulat?

Kagabi lang, in-announce na fiance ko si Shawn.

Tapos ngayon naman, patitirahin kami ni mom ng magkasama sa iisang bahay. How can I survive everyday, if I'm living with an Ice King? Boring. Super boring ng magiging araw araw ko. >O

"M-mom? Seriously?!"

Tumango lang si mommy then sipped on her cup of brewed coffee.

Are they insane?

"Mom! How can you do this to me?" Asar na tanong ko at tinignan si Shawn na kanina pa walang imik.

Nakangiti naman si mommy. "Do what?" Inosenteng tanong niya.

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon