CHAPTER NINEELLE's:
Araaaaaay!
Ganito ba talaga kasakit maging babae? Unang araw ko pero sobrang sakit ng puson ko. Hindi na rin ako bumaba para kumain sa cafeteria.
Ang sakit talaga ng puson ko. Nagpabili na lang ako ng pagkain kay bruh. Jusko! Gusto ko ng umuwi. Ang sakit sakit talaga ng puson ko. TT___TT
"You okay?" Napaangat ang ulo ko at tinignan kung sino yung nagtanong.
"T-tingin mo, okay ako?!" Asar na tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang siya at hindi na ko pinansin.
Teka lang, bakit pala nandito 'to? Diba dapat nasa baba ito kumakain kasama ng mga kaibigan nya, o di kaya nagpa-practice ng basketball?!
"H-hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako at hindi pinansin.
Nice talking talaga kahit kaylan. Psh!
Umub-ob na akong muli sa mesa ko habang himas himas ang puson ko. Hindi ko na talaga kaya ang sakit ng puson ko. Gusto ko na talagang umuwi.
Maya maya pa ay nawala na ang kirot ng puson ko kaya umupo ako ng ayos pero himas ko pa rin ang puson ko.
"Why girls are so noisy everytime they're on their period.." tanong ba yun o statement lang?!
Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo naman nasabi na yung mga babae maiingay kapag may period sila. Don't tell me..." Tama nga kaya yung iniisip ko.
Nakapoker face lang siya at seryosong nakatingin saakin.
"I'm not perv." Sabi niya.
Nahulaan niya nasa isip ko? Eh kasi naman... akala ko nakikipag tu-tootoot siya sa girle kapag may period kaya ayun yung naisip ko. Haay. Mali naman pala ako.
Eh?bakit parang nanghinayang pa ko?
Virgin pa kaya siya? Omg! Bakit ang pink minded ko? Kasalanan to ni bruh. Sa kanya ako natuto.
"Eeeeh. Sige na please.." napatingin kami ni Shawn sa dalawang taong kakapasok lang ng room.
Si bruh tsaka si Kaizer guy.
Niyugyog ni bruh yung balikat ni Kaizer guy.
"Pleaseeee. Isa lang naman eh." Umiling iling si Kaizer. Nagpout si bruh tapos sinabing: "daya mo!" At tsaka umupo sa tabi ko.
Si Kaizer naman ay ngiting ngiti lang at naupo sa tabi ni Shawn.
Siniko ko naman si bruh. Napatingin naman siya agad sa akin.
"Anong eksena yun?" Tanong ko sa kanya.
Lalo pa siyang ngumuso. "Eh kasi mag isa lang ako kanina na kumakain sa caf tapos nilapitan ako ni Kai." Whoa! Kai?! May tawag na siya kay Kaizer. "Tapos sabi niya share daw kami ng table edi syempre um-oo ako. Tapos medyo boring nagka ayaan kami maglaro. Eh usapan namin kung sino matalo may parusa." Paliwanag niya.
"So I bet talo si Kaizer?!" Tumango naman siya sa tanong ko. "Eh anu bang parusa niya?" Tanong ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko. Uh-oh! Maski ako di papayag kung ganyan ang ngiti nitong si bruh eh.
"Magse-sexy dance siya sa harap ng klase." Napanganga naman ako sa sinabi niya.
Seriously? Kahit ako di ako papayag na gawin yun. That's why di ako nakikipaglaro dito dati dahil mahilig siya sa thrills. I mean, laging may twists dapat para mas exciting. Eh madalas akong talo nun. Kaya, simula ng pasayawin niya ko sa harap ng mga customer ni mom sa restau niya ay hindi na ako nakipaglaro sa kanya. Trauma ako eh :33
BINABASA MO ANG
I Love You, But I Hate You [Editing]
Novela JuvenilI LOVE YOU, BUT I HATE YOU By: BLACKBEHIND♥ You are just a typical famous bitch in your campus. You get all what you want, and all men will turn their heads just to see you. Even though they are with their girlfriends. You like how can you attract m...