C13: Ice's Plan

116 5 0
                                    


CHAPTER THIRTEEN

ELLE's:

Nagre-ready na ako pumasok para sa school. Inaantok pa ako. Iniisip ko kasi yung sinabi ni bruh sa akin kahapon eh.

Posible nga kayang nagbalik na siya? Hindi. Malabo yun! Alam kong di siya babalik dito.

Bumaba na ako at dumiretso sa kotse namin.

--

Pagdating ko sa school agad akong nagtungo sa classroom. Nakasalubong ko pa nga si Celine eh. Todo irap pa siya sa akin.

Nakakamiss din palang mantrip ng kaeskwela ko. Oo nga pala, tapos na kahapon ang slave thingy ko kay Shawn. So back to normal na ang lahat. Di ko na siya kakausapin at papansinin. Back to my own business na ako.

Sino kaya ang pwede kong gawing 'TARGET OF THE WEEK' ko. Nagpalinga linga ako hanggang sa mabangga ako.

"OMG! STUPIDA!" Sigaw ng nakabangga ko.

Nagkatinginan kami. Lahat ng mga estudyante natigil sa paglalakad at nanonood sa amin.

May narinig pa nga ako na nagsabing: "gyera to!"

Napangisi ako. Tinignan ko ang kabuuan niya. Mukhang bago lang siya dito. Bago? Malapit na mag second examination, ngayon lang siya pumasok?!

"Tinitingin mo? Gusto mong tusukin ko yang mata mo!" Matapang na sabi niya.

Napangisi nanaman ako.

"Uh-oh! 'PARKER THE BITCH' is back." Rinig kong sabi ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin.

"Honestly, bagay naman sayo magtaray. Wala lang lugar." Tumaas naman ang kilay niya.

"Pake mo!" Sabi niya at nag cross arms pa.

"At isa pa, matuto kang kilalanin kung sino ang binabangga mo. Baka magulat ka na lang, sa kangkungan na kita makikita." Sabi ko at naglakad palapit sa kanya. Tinapik ko ang balikat niya at nilagpasan na siya.

"Sino ka ba sa akala mo? Porket kinatatakutan ka dito, matatakot na rin ako sayo, Parker the bitch?! Tss. Bitch my ass!" Oh. Kilala pala niya ako eh.

At hindi daw siya matatakot sa akin.

Ngumisi lang ako at hindi na siya kinibo. Nagmamatapang siya, eh bago pa lang.

Sabi ko naman sa inyo, hindi ako basta basta nambubully o nambibitch lang lalu na kapag wala namang atraso sa akin.

Pero kahit na bago siya, hindi ko siya papalampasin sa mga kamay ko. I will just let her know who I am.

Pumasok na ako sa room at doon nadatnan ang mga kaklase kong nakatingin sa akin.

Malamang alam na nila ang nangyari. Dakilang mga chismosa ang mga yan eh.

Naupo na ako sa tabi ni bruh. Si shawn? Tulog pati si Kaizer naman, pasulyap sulyap sa akin.

"U-uy, may amnesia ka raw?" Tanong sa akin ni bruh.

Natawa naman ako. Ako? May amnesia? Bakit naman niya nasabi.

"Pinagsasabi mo?" Ibubuka niya na sana ang bibig niya para sagutin ako pero biglang pumasok ang teacher.

Nagsimula na siyang magdiscuss.

--

BREAKTIME NA!!

Syempre, ako ito iniisip kung sa paanong paraan ko papahirapan yung babae kanina.

"Bitch ano? May amn-" di ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya dahil nonsense naman.

"Mauna na ko. May gagawin pa ko." Sabi ko at lumabas na ng room.

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon