C45: Chaos

120 5 0
                                    


CHAPTER FORTY-FIVE

KELLY's:

*SPLASH*

Napamulat ako ng mga mata ko nang maramdaman kong may nagbuhos ng tubig sa akin.

Inilibot ko ang paningin ko.

Nasaan ako? Bakit wala akong matandaan?

"Good evening sleeping beauty." Napatingin ako sa nagsalita.

A-anung ibig sabihin nito?

Tumawa siya ng malakas at ikinumpas ang kamay niya. "Welcome to hell." Sabi niya.

"WALANGHIYA KA!!" Sigaw ko, ngunti tumawa lang siya ng malademonyo.

"Hindi ako walanghiya my dear!I'm a demon. Probably, I'm your death."sabi niya at muli nanamang tumawa.

"ANG SAMA SAMA MO!!" Sigaw ko.

"Yes. Masama ako!" Sabi niya at nginisian ako.

"Akala ko si Kaizer lang ang tanga. Ikaw din pala. Tsk tsk.. nakakaawa naman kayong dalawa! Napaniwala ko kayo." Sabi niya at muli nanamang tumawa ng malakas.

"Hayup ka! Anung ginawa mo kay Kaizer?!" Nang-gagalaiti na tanong ko.

"Don't worry. Nasa mabuti siyang mga kamay." Nakangising sabi niya

Dinuraan ko siya. "Pweh! Mabuti? Talaga lang?!" Nang aasar na tanong ko.

Lumapit naman siya sa akin at sinampal ako ng malakas sa magkabilang pisngi ko.

"Wala kang modo! Matuto kang gumalang sa kung sino ako." Sabi niya.

"Really? Sino ka ba?" Nakangising tanong ko.

Sinampal nanaman niya ako ng ubod ng lakas. "Ako ang KAMATAYAN niyong dalawa ni Kaizer." Sabi niya at tumawa ng parang baliw.

Hindi! Hindi ako makapapayag na mamatay ako sa mga kamay ng bruhildang ito. Lalabanan ko siya. Gagawa ako ng paraan para makatakas dito.

"Siya nga pala, ano kayang gagawin ng bestfriend mo kung malaman niya ang sitwasyon mo?"nanlaki naman ang mga mata ko.

"Parang awa, tantanan mo siya! Wala siyang ginawang masama sa iyo." Pagmamakaawa ko pero tinawanan niya lang ako.

"Sa akin wala, pero sa angkan ko meron. At napakalaki ng kasalanan ng pamilya niya sa pinsan ko." Sabi niya, halata sa boses niya ang galit.

Anung ginawa ng pamilya ni bitch? Bakit labis ang galit sa kanila ng angkan ni Vetina?!

"Pakiusap, h'wag mong idamay si Elle. Maawa ka!" Umiiyak na pakiusap ko.

Ayaw kong mapahamak ang bestfriend ko. Di bale nang ako ang mamatay. H'wag lang siya!

"Oops sorry. Mukhang papunta na siya dito." Sabi niya at tumawa nanaman, tawang nakakakilabot na parang may binabalak na masama.

"HAYUP KANG BALIW KA! TUMIGIL KA NA!" sigaw ko.

Pero umiling lang siya at tinawanan lamang ako at tsaka naglakad palayo.

"Ciaooo~" pakantang sabi niya at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Napayuko ako.

Kailangan kong makatakas dito. Kailangan kong mailigtas si Elle.

ELLE's:

"What?" Gulat na tanong ng mommy ni bitch.

"Tara i-report na natin ito kaagad sa pulis. Baka kung anung mangyari sa anak ko." Tarantang sabi ni Tita Kristina. Ang mom ni Kelly.

"Tita, huminahon po kayo." Pakiusap ko.

Pero umiling lang siya. "Huminahon? Paano? Nasa panganib ang anak ko, paano ako hihinahon?" Galit na tanong niya.

Napayuko naman ako.

"Enough!" Sigaw ni Tito Mike. Dad ni Kelly. At tumingin siya sa akin. "Hindi makakatulong ang pulis sa atin."

"Pero Mike-"

"Enough Kristina!" Saway niya kay Tita. "Isang tao lang ang pwedeng makatulong sa atin. Hindi ito basta-bastang kidnapping lang. Dahil nagsisimula nanaman." Napakunot naman ang noo naming dalawa ni Tita Kristina.

"Iho, ang ama mo?" Baling ni Tito kay Shawn.

"He's in London." Sagot ni Shawn.

"Isang tao na lang talaga ang pwedeng makatulong sa atin." Sabi ni Tito.

Naguguluhan ko naman siyang tinanong. "Sino po?" Tanong ko.

Napatingin naman siya sa akin ng seryoso. "Your dad."

"Po? B-bakit-?"

Tito cut me off.

"Your dad is the leader of one of the most powerful clan in the world. At hindi ito basta bastang kidnapping lang. Nagsisimula nanaman ang gyera." Huh? Gyera?!

"H-hindi ko po maintindihan?!" Naguguluhang pahayag ko.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Shawn sa kamay ko st bahagya niya itong pinisil kaya napatingin ako sa kanya.

"A war between two clans." Sagot ni Shawn.

"A-anung-.."

"Malaki ang kasalanan ng pamilya mo sa angkan ng mga Jang. Tinraydor ng lolo mo ang pinuno ng mga Jang at pinatay nila ito sa mismong harapan ng apo niya. Pinahirapan ng angkan mo ang mga magulang niya. Ang tagapagmana rin ng mga Jang ang dahilan kung bakit muntik ka ng mamatay noon. At siya rin ang dahilan kung bakit nag-uumpisa nanaman ang gulo sa pagitan ng dalawang angkan." Paliwanag ni Tito.

Bakit ang daming alam ni Tito Mike?

"Si Kelly ay hindi ko tunay na anak." Nabigla ako sa sinabi ni Tito.

"Come again?"

"Kapatid mo siya, Elle." Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman ko.

K-kapatid ko si Kelly? P-paanong nangyari iyon?

Napatingin ako kay Tita Kristina na umiiyak lang sa isang tabi.

At napatingin ako kay Shawn. "Matagal mo na rin bang alam ito?" Tanong ko sa kanya.

Napayuko siya. Napatingin ako kay Tito Mike. "Paano ko siya naging kapatid?" Tanong ko.

"Dalawa kayong target ng mga Jang na patayin laban sa ama mo para sumuko ito. Pero matigas ang ama mo, pinili niyang palabasin na ampon lang niya si Kelly. Hindi kami pinagpala ng bigyan ng anak, kaya nang pakiusapan kami ng mommy mo na itago at ilayo si Kelly ay kinuha namin ang pagkakataon. Nagpakalayu-layo kami. Nagulat na lang kami ng isang araw walang maalala si Kelly sa mga nangyari maging sa nakaraan niya. Pero natatandaan ka niya bilang matalik niyang kaibigan. Pinatingin namin siya doktor. Nagkaroon daw ng severe damage ang utak niya, sanhi para di siya makaalala, ng ilang pangyayari sa nakaraan niya. Pinili niya ring kalimutan ang lahat ng mga nangyari sa kanya noon." Paliwanag ni tito.

Ibig sabihin, parehas kami ng sitwasyon. Ano bang nangyari noon at pinili namin iyong kalimutan?

"Kailangan kong iligtas si Kelly. Kailangan kong iligtas ang kapatid ko." Buong tapang na sabi ko.

"Hindi maaari iha! Ang ama mo lang ang makakatulong sa atin. Nasaan siya?" Tanong ni tito.

"Nasa batangas. Bukas pa ang balik nila Tito. Hindi ako pwedeng tumunganga na lang dito. Gagawa ako ng paraan." Sabi ko at tumakbo palayo.

Naririnig ko pa na tinatawag nila ang pangalan ko. Pero tuluy-tuloy lang ako sa pagtakbo.

Palabas na ako sa mansyon nila Kelly nang may biglang humatak sa kamay ko at pilit akong iniharap sa kanya.

"S-shawn."gulat na sambit ko sa pangalan niya.

Puno ng lungkot ang mga mata niya

"I will not let you go again. Not this time, I don't want to lose you again." Sabi niya at hinila ako at tsaka niyakap ng mahigpit. "Please, don't go. We're going to make a plan. We'll save your sister. I promise. Just don't go alone. I don't want to lose you again." Bulong niya. At niyakap ko siya pabalik.

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon