C23: Ice-warming

139 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

ELLE's:

"Tama ka noona! Hawak ang gang namin ng isang makapangyarihang mafia dito sa Pilipinas." Nakangiting paliwanag ni Brix.

Ang 7 ACES, ay hawak ng isang makapangyarihang mafia ng Pilipinas?

Napatingin ako kay Shawn. Tahimik lang siyang umiinom. Ilang bote na rin ng beer ang nasa mesa nila.

"Ah.. s-saan ang banyo dito?" Tanong ko. Di pa ma-absorb ng utak ko yung mga nalalaman ko ngayon.

"Doon, sa may dulo. Samahan na kita?" Alok naman ni Brix.

Binatukan naman siya ni Charlie. "Okay na ko. Kaya ko na mag isa." Sabi ko at tumayo na.

Naglakad na ako patungo sa itinurong daan ni Brix. Nang natahak ko na ang banyo ay agad akong pumasok sa loob.

Ako lang ang tao, ini-lock ko na ang pinto.

Humarap ako sa salamin at naghilamos ng mukha.

Nakakastress ang araw na ito. Andito na rin lang kami sa 'pugad ng mga gangsters', edi magpapakasaya na rin ako.

Pinunasan ko na ang mukha ko at nag-apply ng panibagong BB cream sa mukha. Naglagay din ako ng lipgloss. Nang matapos ako sa pagre-retouch ay lumabas na ako ng banyo.

Nagtungo na ako sa mesa namin. Napatingin ako sa mga suot ng mga babae dito. Ang iikli, mga kinapos sa tela. Napatingin ako sa suot ko. Naka school uniform pa pala ako. Nakakahiya! Inirampa ko pa dito yung uniporme ng school namin.

Sino kaya yung mga humahabol sa amin kanina? Anung kailangan nila sa amin? Sila kaya yung nararamdaman kong nagmamasid sa akin kanina?

Napatingin ako kay Kaizer, ang dami niya na atang naiinom. Ang daming bote ng alak sa tapat niya. Medyo, parang tipsy na rin siya.

May lumapit sa kanyang babae at kumandong sa kanya.

"Hi Kaizer, wanna dance with me?" Naalala ko bigla si bruh.

"Yeah sure." Sagot niya at nakipag-french kiss doon sa babae.

Napako naman ang tingin ko sa kamay ni Kaizer na gumagala sa katawan ng babae.

Fvck! Akala ko ba nililigawan ng gago na ito si bruh? Anung ginagawa niya?

Tumayo ako bigla. "Noona?" Tawag sa akin nila Tim at Charlie.

"Mag iikot lang ako. Naaasiwa ako sa nakikita ko." Sabi ko at tumingin kay Kaizer na nakatingin din sa akin.

Ang cold ng mga mata niya. Hindi ko na lang pinansin pa at naglakad na palayo sa kanila.

Sayaw dito, sayaw doon, inuman dito, yosi doon, make out dito. Yan ang mga nasasaksihan ko ngayon.

Nakipagsiksikan ako sa mga taong nagsasayaw sa dance floor. May lumapit pa sa akin na tatlong lalake.

"Whoa! May naligaw na chic dito.." sabi niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa tapos sa dibdib ko.

"Flat chested pare!" Napataas naman ako ng kilay.

Tanggap ko ng flat chested ako. Kailangan pa bang ipamukha sa akin? Bangasan ko kaya to. Nga pala, gangster siya. Baka di pa ako makalabas ng buhay dito eh.

Palapit na sana sila sa akin nang biglang may sexy na likod ang humarang.

Para naman silang mga tutang natakot sa amo nila at nagsitakbuhan.

Hinarap niya ako. "Tsk." Sabi niya at hinila na ako palayo sa gitgitan ng mga tao.

"Stay here. I'll be back." Sabi niya at iniwan ako dito sa may sulok kung saan walang masyadong tao.

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon