Hello :) countdown for christmas 2014~ christmas wish ko. Sana dumami na ang readers, commentors at voters ng story ko.
Sana maging merry ang christmas niyo :)
MERRY KRISMASEU ♥
----
CHAPTER TWENTY-NINE
ELLE's:
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang marinig ko ang usapan ni Shawn at ng kababata niya.
Dalawang linggo na rin akong naninibago kay Shawn.
Yung yelo niyang pagkatao, biglang natunaw. Yung bakod niya biglang nagiba. Sobra na siyang nag iba simula nang magkita sila ng kababata niya.
Palagi na siyang nakangiti, minsan na lang din siya umuwi sa bahay. One time nga na pinaghanda ko siya nang almusal naming dalawa sabi niya susunduin pa niya si Kimmy (kababata niya) sa condo nito.
Minsan napapaisip ako.
Mahal pa kaya ni Shawn si Kimmy?
Ngayong andito na yung kababata niya, hahayaan niya pa kayang tawagin ko siyang Shawn?
Somehow, nakakaramdam ako ng inggit kay Kimmy. Buti pa si Kimmy, nginingitian niya.
Pero pag ako, lagi siyang nakapoker face.
Napabuntong hininga ako.
Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa kusina.
8:30 na ng gabi pero wala pa siya. Ininom ko na ng diretso ang strawberry mogu mogu ko.
Pupunta na lang ako kina bruh. Bahala siya diyan.
Nag ayos na ako ng sarili. Nag shorts lang ako st hoodie na rilakkuma. Nag flip flops lang ako tapos ay ready to go na ako.
Inilock ko na ang pinto ng bahay at palabas na sana ng makita ko ang sasakyan ni Shawn. Nakabukas pa ang bintana sa passenger's seat.
Kitang kita ko kung paano niya halikan si Kimmy.
Naramdaman ko nanaman ang paninikip nang dibdib ko. Parang may kung anong tumutusok din sa puso ko.
Namalayan ko na lang na nakayukom na pala ang kamao ko.
Bumaba na sila sa sasakyan. Para ngang di ako nakikita ni Shawn. Parang invisible lang ako. Buong atensyon niya ay na kay Kimmy.
Bigla namang napatingin sa akin si Kimmy.
"Hi Elle" nakangiting bati niya.
"H-hello." Bakit ba ako nauutal?
Ngumiti lang siya sa akin. Pero di ko magawang ngitian siya pabalik. Naninikip ang dibdib ko.
Bigla namang napatingin sa akin si Shawn.
"Kukunin ko lang ang ibang damit ko." Walang emosyon na sabi niya.
"A-ah.. s-sige. A-aalis ka na ba dito?" Aalis na ba siya dito? Sabi niya kukunin niya ang ilang damit niya.
Sasama na ba siya sa Kimmy na yan?
"Nah. Pupunta kaming Ilocos." Sabi niya at nilagpasan na ko. Habang kasunod niya si Kimmy.
Bago pa man sila tuluyang makapasok ay nagsalita ako.
"Shawn.." anong sasabihin ko? Bakit ko siya tinawag? "A-ah.. pakilock na lang yung pinto."
"Sure." Sabi niya at tuluyan na silang pumasok sa loob ng bahay.
Nagulat na lang ako nang may maramdamang butil ng tubig sa pisngi ko.
Umiiyak ba ko?
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Kailangan ko si bruh..
----
Nang makarating ako sa bahay nila bruh ay agad akong nagtungo sa kwarto niya. Nakasandal lang siya sa headrest ng kama niya at nakataas ang kilay.
Bigla naman akong tumakbo at niyakap siya. At doon bumuhos ang mga masagana kong luha.
Humagulgol ako. Gusto kong ilabas lahat nang nararamdaman ko sa loob ng dalawang linggo.
Feeling ko, sasabog na ko.
Sobrang pigang piga na ang dibdib ko. Naninikip na at sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito.
Yaka yakap lang ako ni bruh at pinapatahan.
Maya maya pa ay tumigil na ako sa pag iyak.
"Anong iniiyak mo?" Tanong sa akin ni bruh.
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Nasasaktan ako bruh. Di ko alam kung bakit. Naiinis ako.." kinwento ko sa kanya lahat nang nangyari.
Simula nang marinig ko ang usapan nila Shawn at ni Kimmy, hanggang sa mga nangyari sa loob ng dalawang linggo. Pati na rin kanina..
Tahimik lang si bruh. Maya maya pa ay napangiti siya.
"Anung nginingiti mo dyan?" Tanong ko.
"Alam mo, nung niyakap mo ako kanina at umiyak ka. Feeling ko, nagbalik ka sa dati." Nakangiting sabi niya.
"Dati?" Tanong ko.
Tumango lang siya. "Bitch, ang tanga mo para di marealize na gusto mo na si Shawn mo." Nangunot naman ang noo ko.
Gusto ko na si Shawn?
"Paanong -"
Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Hindi mo lang ata siya gusto, base sa mga kwento at reaksyon mo. Isama na rin natin ang sobra mong pag iyak kanina. Sa tingin ko.. mahal mo na si Shawn.." biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Mahal ko na si Shawn?
![](https://img.wattpad.com/cover/28122173-288-k210482.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You, But I Hate You [Editing]
Teen FictionI LOVE YOU, BUT I HATE YOU By: BLACKBEHIND♥ You are just a typical famous bitch in your campus. You get all what you want, and all men will turn their heads just to see you. Even though they are with their girlfriends. You like how can you attract m...