CHAPTER TWENTY-SEVEN
ELLE's:
"ELLE!" Napatingin ako sa tumawag sa akin.
Nakangiti siya habang papalapit sa akin at kumakaway pa. "Lynds?" Bigla naman siyang napasimangot.
Napatawa na lang ako ng mahina.
"Grabe ka talaga sakin Elle!" Nakasimangot na sabi niya.
"Bakla ka ba?" Natatawang tanong ko
Paano naman kasi, kung makanguso akala mo bakla.
"O-oy! Halika nga at papatunayan ko sayong di ako bakla." Sabi niya at hinila ako.
Napatili naman ako. Tawa lang siya ng tawa habang ako naman ay nakasimangot.
Hinila naman niya ang nguso ko.
"Aish~ Lyndon naman eh!" Sigaw ko.
Natawa nanaman siya. Tapos maya maya ay tumigil din. Nakatitig lang siya sa akin. Specifically, sa mga mata ko.
"You're gorgeous." Puri niya
"I know." Mataray na sagot ko.
Napangiti naman siya sa akin at hinawi ang buhok ko patungo sa likod ng tenga ko.
"Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti kapag nakikita kita, Elle." Sabi niya.
"L-Lynds..." Inilagay niya ang daliri niya sa labi ko.
"Sssh.. oo gusto kita. Pero di ibig sabihin no'n ay gagawa na ko ng mga stupidong paraan para magustuhan mo ko. Alam kong fiance mo si Shawn. Pero di ibig sabihin nun ay susuko na ko. Elle, ngayon lang ulit ako nakadama ng ganto." Yung mga mata niya, parang nagsusumamo.
"L-Lyndon.. "umiling lang siya.
"Liligawan kita. At hindi ko kailangan ng confirmation mo. Basta liligawan kita. Susuyuin, at gagawin ko lahat para magustuhan mo rin ako." Napayuko ako.
"Tara, ihahatid na kita sa inyo." Tumango na lang ako.
---
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin, agad akong nagpaalam sa kanya.
"Elle.." napatigil ako sa pagpasok sa gate.
"Liligawan kita." Napatingin ako sa kanya.
"Pero.." ngumiti lang siya at pinaharurot na paalis ang sasakyan niya.
Aish! Yung lalakeng yon di ko maintindihan. Napabuntong hininga na lang ako.
Pagharap ko papasok sa gate ay napatigil nanaman ako.
"Gabi na. Bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong niya, pero he still can manage his cold voice and aura.
"Pake mo!" Sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Naglakad na ako papasok at nilagpasan siya.
Pero hinawakan niya ako sa braso.
"Why are you doing this to me?" Para siyang may sinabi, pero di ko narinig.
Tumingin ako sa kanya. "Alam mo kung bubulong ka lang. Papasok na ko sa loob. Nag aaksaya lang ako ng oras ko dito." Sabi ko at kumalas sa pagkakahawak niya. Pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko.
Humiga muna ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko.
Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng antok.
"KIMMY!" Napatingin ako sa batang lalake na niyakap ang batang babae.
"Where did you go? I'm so worried about you." Umiiyak na sabi ng batang lalake.
Niyakap din siya pabalik ng batang babae.
"I'm sorry.. I'm sorry.." umiiyak na sabi ng batang babae.
Napadilat ako ng mga mata ko. Ito nanaman yung panaginip ko nung umuwi ako noon galing Korea.
Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng gutom. Makapagluto na nga muna ako.
Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Ang dilim, hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ito.
Nagulat ako nang makita ko si Shawn na nakaupo sa dinning area.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at nilagpasan.
Pero nagulat ako nang bigla niya akong hatakin at niyakap ng mahigpit.
Bale nakaupo ako sa lap niya tapos nakayakap siya sa akin.
Napatingin ako sa mesa. Ang daming bote ng beer.
Napatingin ako sa kanya. Nakapikit lang siya. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko.
Nakaramdam nanaman ako ng mga paru-paro, bulate at roller coaster sa tiyan ko. May nagkakarera nanaman na mga kabayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Napalunok ako nang mapatingin ako sa mapupula niyang labi.
Ang hahaba ng mga pilikmata niya, ang tangos ng ilong niya. Ang kinis ng kanyang mukha.
Am I drooling already? Aaminin ko, ang gwapo niya. Kaya marami ang nagkakandarapa sa kanya.
Pero kung sa ugali ibabase? Z-E-R-O!
Bigla siyang napadilat, imbis na umiwas ako ng titig sa kanya ay nanatili lang ako
Ang lungkot ng mga mata niya.
"I found her..." Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.
"Eh? Sino?" Takhang tanong ko.
Napapikit ulit siya, maya maya ay kumurba ang ngiti sa labi niya.
SHT! ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko, mas lalong bumilis at feeling ko may kung anung party ang nagaganap sa loob ng puso ko.
OA? Maybe. Dahil lang sa ngiti niya, feeling ko kailangan ko ng magpamisa. First time ko siyang nakitang ngumiti.
Mas lalo siyang gumwapo dahil sa ngiti niya.
"I found her... I found kimmy..."
Nangunot ang noo ko. Hanggang sa unti unti kong narealize kung sino si Kimmy na sinasabi niya.
His childhood sweetheart...
-----
A/n: Wait for the next update. Malalaman niyo na kung sino ba si Kimmy na sinasabi ni Fafa Shawn. Look at the multimedia na lang guys, ang pogi ni Shawn noooo :)) isipin niyo na lang ganyang ang ngiti niya kay Elle ^___^
KOREANABO♥

BINABASA MO ANG
I Love You, But I Hate You [Editing]
Ficção AdolescenteI LOVE YOU, BUT I HATE YOU By: BLACKBEHIND♥ You are just a typical famous bitch in your campus. You get all what you want, and all men will turn their heads just to see you. Even though they are with their girlfriends. You like how can you attract m...