C24: Decission

122 4 0
                                    


CHAPTER TWENTY-FOUR

ELLE's:

Nagising ako na andito na ako sa loob ng kwarto ko. Nakakumot din ako. Napatingin ako sa suot ko. Naka uniform pa rin pala ako.

Hindi na ako nakapagpalit kagabi dahil inasikaso ko si Shawn. Teka, speaking of Shawn.

Sa pagkakatanda ko, sa kwarto niya ako nakatulog. Siya kaya ang nagdala sa akin dito sa kwarto ko? Pero diba.. una siyang nakatulog sa akin kagabi?

Napailing na lang ako. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo.

Nang matapos akong maligo ay agad kong inayos ang sarili ko at bumaba na para magluto ng umagahan namin.

Pagbaba ko, nakaamoy ako ng masarap na pagkain.

Pagdating ko sa dinning area, ang daming nakahandang pagkain. May ham, hotdog, kanin, bread, eggs at dalawang mug ng hot chocolate.

Maya maya pa ay lumabas na mula sa kusina si Shawn na may apron na suot. Napangiti ako ng palihim.

"Let's eat." Sabi niya at tinanggal na ang suot niyang apron tapos ay naupo na.

Bakit pakiramdam ko, kinikilig ako na ewan? Simpleng gesture lang yan pero grabe na ako kung kiligin.

Naupo na rin ako at kumuha ng hotdog, ham and egg pati ng rice. Tahimik lang kaming kumakain.

Napasulyap naman ako sa kanya na seryosong kumakain.

"Don't you know that staring is rude?" Biglang tanong niya at tumingin sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin. Aish~

"H-hindi naman kita tinitignan eh." Deny ko. Pero totoo naman talagang tinitignan ko siya eh.

"Tch. Bilisan mo." Sabi niya at tumayo na.

Nakahinga naman ako ng maluwag at nagmadaling ubusin ang pagkain ko.

Inilagay ko na sa lababo ang mga pinagkainan namin. Mamaya ko na lang huhugasan pagkadating namin.

Lumabas na ako ng bahay. Andoon siya sa sasakyan niya. Iniwan niya nga pala yung sasakyan niya kagabi sa kung saan. Kaya pala bago ang sasakyan niya ngayon.

Lumapit na ako sa kanya. "Get in." Sabi niya at pumasok na sa loob ng sasakyan niya.

Tss. Ang gentleman niya talaga, promise! Padabog akong pumasok sa sasakyan niya at di na nag abala pang tignan siya. Minaneho niya ng mabilis ang kotse.

Nang makarating kami sa school ay agad akong bumaba. Hindi ko na siya inintay pa. Dire-diretso lang akong naglalakad ng taas noo.

As usual, usap usapan nanaman ako.

Maya maya pa ay may bumangga sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Nakangisi lang siya nang mapang asar. "Oops! I bumped the slut." Sabi niya at natawa pa.

Napairap na lang ako. Seriously? Ang immatured ng babaeng ito. Sarap putulan ng dila eh. Tsk.

"What now, Celine?" Asar na tanong ko.

Nginisian niya lang ako. "You don't deserve to be Prince Eimerson's muse for the pageant. Eew lang~" sabi niya na parang nandidiri pa.

Napataas naman ako ng kilay ko.

"Eh anung gusto mo? Ikaw ang kapartner?! Lalung di mo naman deserve, girl. Imagine isang prinsipe at isang mangkukulam partner sa pageant? How cliche... " sabi ko nang naiiling iling pa.

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon