C43: He's Back

184 5 0
                                    

I just changed my mind. Hindi na po twenty chapters ang gagawin ko. 5-6 chaps to go at matatapos na po ang story. May BOOK  2 naman po kaya no problemos ;''') anyway, thank you sa new reader ko, nakalimutan ko UN mo sorry ^^ dedicated sa'yo ang chapter na ito :))

ENJOOOOY :))

-----

CHAPTER FORTY-THREE

ELLE's:

Ilang araw na ang nakalilipas simula nang malaman ko ang malaking rebelasyon ng pagkatao ko. Hindi ko na rin nagawang siputin pa si Kelly dahil gusto ko munang mapag-isa.

All this time, nagseselos ako kay Kimmy, sa nagpapanggap na ako. Ewan, magulo! Pero ano ang pakay niya? Bakit siya nagpapanggap na ako?

Narinig ko rin ang sinabi ng tatay ni Shawn na baka pain lang siya kay dad. Pain? For what?!

Hindi ko maintindihan. Pero masaya ako sa nalaman ko. Ako ang kababata ni Shawn. Ako ang taong matagal niys ng hinahanap.

Pero bakit sabi niya, mahal niya yung nagpapanggap na Kimmy? Matagal niya ng alam na ang kababata niya at ako ay iisa. Pero bakit hindi man lang niya sinabi sa akin?

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Pero isa lang ang gusto kong gawin, ang sundan si Shawn sa Korea.

Kung noon, mahina ako dahil wala akong rason para ipaglaban siya. Ngayon, marami na akong rason para hindi ko isuko ang pagmamahal ko sa kanya. Mahal ko siya, kaya ipaglalaban ko siya.

Babawiin ko siya sa nagpapanggap na babaeng 'yon.

Nagpasya akong itext si Kelly at ituloy ang pakikipagkita sa kanya. Napaka unfair ko naman sa bestfriend ko kung hindi ko sasabihin ang lahat sa kanya.

Matalik ko siyang kaibigan simula pagkabata.

Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi niya kilala si Shawn?

Nag-ayos muna ako ng sarili ko at sinuot ang kwintas na matagal ko ng iniingatan.

Ipinaliwanag sa akin ni mommy kung bakit niya ito laging pinapasuot sa akin. Itong kwintas daw na ito ang natitirang alaala ko kay Shawn noong mga bata pa kami.

Siya daw ang nagbigay nito sa akin noong 12th birthday ko.

Tinanong ko si mom kung bakit hindi ko maalala ang lahat. Sabi niya nagka-trauma daw ako. Hindi amnesia.

Pinili ko raw kalimutan lahat ng mga masasamang nangyari sa akin at ang mga natira lang ay ang mga magagandang alaala ko.

I felt bad for Shawn, dahil napasama siya sa mga napili kong kalimutan.

Sabi ni mom, babalik din daw ang mga alaala ko, and it's up to me kung gugustuhin ko.

I asked mom kung bakit ko piniling kalimutan ang ibang pangyayari sa buhay ko.

Pero she kept silent and changed the topic.

Feeling ko, may hindi pa sila sinasabi sa akin. Lalu na si dad, nagulat ako nang malaman kong isa siyang MAFIA BOSS.

At ako ang tagapagmana.

"Young lady, andito na po tayo." Sabi ng driver ko.

Napatingin ako sa paligid.

Andito na nga kami.

"Sige manong, itetext na lang kita mamaya kapag magpapasundo na ako."sabi ko.

"Sige po young lady, mag-iingat po kayo." Tinanguan ko lang siya at nginitian. Tsaka ako bumaba ng sasakyan.

Naglakad na ako patungo sa lugar na pagkikitaan namin ni Kelly.  Sa loob ng isang coffee shop.

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon