C8: His slave

163 5 0
                                    


CHAPTER EIGHT

ELLE's:

"Here, buy me a bottled water." Utos niya at binigay sa akin ang isang daang piso.

Napairap na lang ako at padabog na tumayo at lumakad papuntang cafeteria.

Halos tatlong araw niya na kong slave huh. Oo tama kayo, natalo ako! Eh varsity player siya sa basketball, ano pa bang i-eexpect ko, ang manalo ako? Eh pang Timezone nga lang ang galing ko sa basketball eh.

Psh. Nang makapasok na ko sa loob mg caf ay agad ako'ng nag-order sa counter ng isang bote ng mineral water.

Di bale, next week naman last na eh. At sa susunod pang week, hindi niya na ko slave. Konting tiis lang! -____-

Nang makabili na ko ng bote ng mineral water ay bumalik na ko sa classroom. May teacher na nga pagdating ko eh.

"Miss Parker! You're 15 minutes late. Take your seat." Masungit na sabi ng teacher at ako naman naupo na sa upuan ko.

Nginitian lang ako ni Kaizer pero dinedma ko lang siya. Si bruh naman tinatawanan lang ako.

Inilapag ko ng padabog sa mesa ni Shawn yung bote ng mineral water.

Napatingin naman ang mga kaklase ko sa akin pati yung guro sa unahan.

"Tinitingin niyo? At ikaw, umpisahan mo na magturo. Hindi ka binabayaran dito para tumunganga." Tukoy ko sa guro, agad naman siyang umiwas ng tingin.

Takot na lang nila sa akin. Aba isa ang dad ko sa ambassadors ng school na ito.

"At ikaw naman, uminom ka na. Ayan! Pakasawa ka, malunod ka sana sa pag inom nyan." Inis na sabi ko sa kanya at iniwas ang tingin sa kanya.

Tawa pa rin ng tawa si bruh. Binatukan ko nga. Nagpout lang siya at hinimas ang ulo niya ma nabatukan ko. "Subukan mo pang tumawa tutusukin ko talaga esophagus mo." Sabi ko at inirapan siya.

Natapos ang dalawang subject namin, sobrang init pa rin ng ulo ko. Jusko, ang sakit pa ng puson ko. May red alert na ata ako.

"Slave, buy me a snack." Utos nanaman niya.

Tumayo ako ng padabog.

"Wala ka bang paa at kamay? Tsaka isa pa, may isang subject pa bago mag breaktime." Sigaw ko sa kanya.

Napatingin naman lahat ng mga kaklase ko sa akin. "Tinitingin nyo dyan? Tusukin ko mga mata niyo eh!" Inis na sabi ko sa kanila.

Nagsi-iwasan naman sila ng tingin sa akin.

"At ikaw, mag isa kang bumili." Sabi ko at di na siya nilingon.

"You're my slave." Ulitin ba? Kaasar lang huh.

Tumayo na ko ng padabog at kinuha ang pera sa kamay niya. Pero bago ako umalis ng tuluyan ay binatukan ko muna siya ng ubod ng lakas. Napahawak siya sa ulo niya.

"Angal ka?" Tanong ko at lumabas na ng room.

Habang naglalakad ako papunta sa caf ay nagtitinginan ang mga estudyante sakin. Wala na bang bago? Always naman eh. Ano nanaman bang meron? Tsk. Everyday chismis, aba walang patid?!

Nagulat na lamang ako nang may biglang humatak ng kamay ko at hinila ako papasok sa bakanteng kwarto.

Pagtingin ko.. "bibilhan na nga kita diba?! Bakit sumunod ka pa? Ano may nakalimutan ka bang ipabili?" Iritadong tanong ko sa kanya.

Napahimas naman siya sa batok niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya at tsaka tumingin ng diretso sa akin.

"May tagos ka." Sabi niya at nag iwas ng tingin. Inilabas niya pa ang dila niya at dinilaan ang lowerlip niya.

Teka, anung sabi niya?

Chineck ko ang pwetan ng palda ko. Wengya! Kaya pala ako pinagtitinginan dahil may tagos ako!

Napatingin naman ako sa kanya.

"K-kailangan kong lumabas. M-magpapalit ako n-ng p-palda." Nahihiyang sabi ko.

Pano ba naman, siya pa nakapansin namay tagos ako.

Nakapamulsa na siya at cool na humarap sakin. "Okay. Just make it faster, and buy me a snack!" Sabi niya at lumabas na.

Baah! Hindi man lang ako tutulungan? Napaka gentleman niya promise -_____- sarap pektusan! Psh.

Ang ginawa ko, pinaharap ko yung palda ko at tinakpan ang tagos gamit ang mga kamay ko at patakbong lumabas ng bakanteng silid at nagtungo sa lockers area. Nang buksan ko ang locker ko, nawawala yung palda kong extra. Ang nandito lang ay yung uniform kong pang itaas at punit pa. WTH! MAY NANTRIP SA AKIN?!

Padabog kong sinara ang locker ko.

Lahat ng mga estudyante dito sa lockers area ay napatingin sa akin.

"SINO NANTRIP SA LOCKER KO? UMAMIN NA BAGO PA MAWALA SA MUNDONG 'TO!" Panakot ko sa kanila.

Nagbulungan lang sila. Tapos nagtuturuan. "Ano? Di ba kayo sasagot o susunugin ko lockers niyo?!" Siguro sa banta ko kaya sila natakot.

Kaya agad din silang umamin . Lumapit sa akin yung baklang may malaking salamin ang pula pa ng lipstick. "A-ako girl. I-inutusan lang ako ni Miss Celine." Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"O really? Wag mo kong matawag tawag na girl dahil di kita close." Sabi ko at binato sa kanya yung uniform ko na sira sira.

Nang madaanan ko ang locker ng isang geek kinuha ko anf palda niya nang walang paalam at umalis na.

Nagtungo ako sa restroom ng girls para magpalit.

Nang matapos akong magpalit ay agad akong dumiretso sa caf. Binilhan ko muna yung walangya kong kamahalan na si Shawn ng snack niya. Pinalagyan ko na rin ng lason para di niya na ko mautusan.

Pero syempre, joke lang yon! Nang makabili na ko ay agad akong pumasok sa loob ng classroom.

"Tsk. Tagal." Reklamo niya. Binatukan ko ulit siya.

"Sorry huh. Napaka gentleman mo kasi kanina eh." Sabi ko at inirapan siya.

Naupo na ko at padabog na inayos ang mga gamit ko.

"Uyy." Siniko ako ni bruh. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay."ikaw lang ang naglalakas loob na batuk-batukan si Eimerson. Pero ang maganda pa nito, parang wala lang sa kanya." Bulong niya sa akin.

"Oh, eh ano naman ngayon?"walang gana kong tanong.

Tumawa lang siya ng mahina at kumindat sa akin. "Ibis sabihin niyan nahuhulog ma siya sa patibong mo. Malapit ka ng malaro sa sarili mong laro."

Napaisip naman ako bigla. Patibong? Wala nga akong ginagawa pa eh. Puro perwisyo lang dulot sakin nito eh. Buti isang buwan ko lang siya magiging kaklase at tapos balik na sa normal ang lahat at next week matatapos na ang pagiging slave ko sa kanya. Saya lang diba?!

"Pano mo nasabi?" Tanong ko.

KELLY's:

"Eh kasi , pumapayag siya na batukan batukan mo lang sa harap ng maraming tao. At sinundan ka pa niya para lang sabihin sayo na may tagos ka." Pansin ko ang pamumula ni bitch.

Cute ahihihi :D siguro nahihiya siya kasi si Shawn pa niya ang nakakita. Pero syempre si Shawn yan, I mean Eimerson kaya hindi yan gagawa ng kahit anung care acts sa iyo. Asa ka naman dyan. Walang sweet bone sa katawan yan eh.

"Tsk. Change topic na nga lang." Napansin kong mas lalo pa siyang namula.

Uhm, dapat ko na bang isipin na may gusto na si bitch kay Shawn niya? Posible nga kaya?!

I Love You, But I Hate You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon