Episode 15: Sunflower

1.6K 194 62
                                    

Episode 15: Sunflower

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 15: Sunflower


                 • • • SNOW • • •

"TEN MINUTES PA po ang order niyo, ma'am. Willing to wait po ba?"

"I was willing to wait. Kaya lang napagod ako. Napagod ang puso ko na maghintay, magtanong, magalit," madramang sagot ni Tutti. She looked up, blinked three times, and wiped away her nonexistent tears.

Nagpigil ako ng hagikhik at siniko siya bahagya. Nakapila kami sa counter para umorder ng lunch namin sa Jollibee.

Nagaya niya 'yong linya ni Piolo Pascual sa Starting Over Again. May copy kasi ako n'on sa cellphone ko at katatapos lang naming manood kanina.

Namula iyong binatilyong cashier at nagpigil ng ngiti saka kumuha ng number at ibinigay iyon kay Tutti.

Bumalik na kami sa pwesto namin pagkatapos. Si Rum nasuot 'yong eyeglasses niya at nagbabasa ng libro niya, nag-aaral. Si Queen naman katabi niya at hawak ang cellphone. Si Dean hindi pa nadating dine.

Nag-angat ng tingin si Rum nang maupo na ulit kami sa tapat nila.

"Na-order na din kami nang kay Dean. Papunta na ba siya, Rum?" sabi ko agad.

He smiled and nodded. Nagpatuloy na ulit siya sa pagbabasa. Rum's really dedicated with his studies. Gusto niya kasing maging Forensic Pathologist pagkatapos mag-aral. Kumuha din siya ng Philosophy kasi gusto niya ding maging maalam pagdating sa buhay ng tao.

Maya-maya pa ay dumating na ang order namin. Iyong binatilyong cashier pa ang nagdala. Nahuli ko ang paglalapag ng tissue nito sa gilid ni Tutti. Nangiti sa kanya ito bago bumalik na sa counter.

Nakunot ang noo ni Tutti sa tissue at kinuha iyon. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili sa pagtawa nang nanlaki ang singkit niyang mga mata.

Nasilip din ako doon sa tissue.

Kaya pala.

Nasulat n'ong binatilyo 'yong number niya saka note din na 'Hi' with smiling face. Mukhang may crush siya kay Tutti.

"What's that?" nakunot-noong tanong ni Rum.

"Crush ata ako n'ong lalaki," tawa pa ni Tutti sabay lapag sa tissue paper na binigay sa kanya.

Natitig lang doon si Rum nang ilang saglit, kunot-noo pa din. Natigil na din sa cellphone niya si Queen at sinilip ang tissue saka siya nangisi.

Tahimik na kinuha ni Rum ang tissue at isinilid sa bulsa niya.

"Let her, Rum. It's her chance to find love. She won't be able to get herself a boyfriend if you're always acting strict around her," Queen spat when she noticed what Rum did.

"Oo nga, Rum. Crush-crush lang naman," nakangising pagsang-ayon ni Tutti na sinamahan niya pa ng tango.

Diretsong natitig si Rum sa kanya na tumagal ng ilang segundo tapos nailing na lang ito at tahimik nang niligpit ang libro para makakain na kami.

Beast Charmings: Funeral Service for BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon