Episode 47: Stumbled Lino (Part 2)

1.6K 162 91
                                    

Episode 47: Stumbled Lino (Part 2)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 47: Stumbled Lino (Part 2)

🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂

"Tonton, bakit dala mo na naman ang bag mo?"

"Papasok ako, kuya."

Hinila ni Marvin ang packbag ng kapatid kaya nahatak niya rin ito na naging dahilan nang pagkakatumba nito sa sahig.

"Bakit ganyan ka, kuya?!"

Natigilan si Marvin nang mapansing umiiyak na ang batang kapatid. Pilit pa nitong pinupunasan ang mga mata gamit ang braso.

"Ang sama-sama mo! Hindi matutuwa si tatay kapag nalaman niya ang ginagawa mo!"

Simula ng ilang araw nang hindi umuuwi ang tatay nila ay napariwara na si Marvin. Nagnanakaw ito sa lansangan upang may makain sila ng kapatid subalit madalas ay napapatambay din kasama ang mga tambay na pasikretong nagra-rugby.

"Bakit?! Nasaan ba siya ngayon?! Di ba iniwan niya tayo?!" asik ni Marvin.

"Kaya ano pang silbi at nag-aaral ka, ha?!"

Hahatakin sana ni Marvin ulit ang bag ni Tonton nang umiwas ito at kaagad na tumakbo sa pintuan nila habang umiiyak parin.

"Gusto ni tatay na makatapos tayo ng pag-aaral kaya mag-aaral ako, kuya! Mag-aaral ako! Tutuparin ko ang pangarap ni tatay!"

Nahabag si Marvin habang pinagmamasdan ang kapatid. Suot ulit nito ang unipormeng ginamit nito kahapon na hindi pa nalalabhan at sa halip na sapatos ay tsinelas lang ang sapin nito sa paa. Alam niya ring kumakalam na ang sikmura nito dahil kagabi pa sila gutom. Pero sa kabila nang lahat ng ito ay hindi parin matatawaran ang kagustuhan nitong magpatuloy sa pag-aaral.

Nahihiya siya sa sarili sapagkat kahit nasa unang baitang pa lamang ito ay pursigido na itong makatapos dahil pinanghahawakan nito ang pangarap ng amang kumalinga sa kanila sa kabila nang hindi nila pagiging tunay na magkadugo.

"Ihahatid na kita," mahinahong saad niya.

                 •|• SNOW •|•

SABADO NGAYON PERO nakabihis kami nang panlakad dahil sabi ni Rum ay pupuntahan daw namin si Mr. Campaner sa peryahang pagmamay-ari nito. Hindi kasi namin mahanap ang kaluluwa ni Lino Suico. Nagbabaka sakali kaming may alam siya o tinatago.

Si Tutti nabihis ng black oversized tee shirt na may malaking square print sa gitna. Nakatuck in 'yon sa high rise ripped jeans niya na nilagyan niya pa ng itim na belt saka pinaresan ng Vans Old Skool sneakers. Naka-low ponytail ang buhok niya gamit ang white hair ribbon na may mga tatak na Chanel na kinuha niya sa box ng bag na dineliver kay Queen noon.

Si Queen naman ay nasuot ng puting one-shoulder puff long sleeve top with ruffles. Nakatuck in din 'yon sa high rise denim shorts niya saka white pearl embellished espadrilles. She put on a maroon top knot headband. Dala niya din ang burgundy saddle bag niya na may YSL na tatak. 

Beast Charmings: Funeral Service for BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon