Episode 29: Givenchy

1.5K 187 34
                                    

Episode 29: Givenchy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 29: Givenchy

                 • • • QUEEN • • •

TUTTI'S BEEN SHAKING my elbow for the last five minutes to wake me up but I pretended still deeply asleep. Mabuti na lang at nakadapa ako kaya hindi niya makukurot ang ilong ko dahilan para hindi ako makahinga at mapabangon pagising.

"Queen, gising na. Kanina pa tayo hinihintay nina Rum para kumain. Twenty minutes na tayo rito."

This is me risking my school, my day, and my whole life just to get more minutes of sleep.

"Sasabihin ko kay Rum na ayaw mong sundin ang utos niyang gumising," she said, giving up.

I groaned but sat up from my bed. She smirked and went out of our room. I stood up and search for my Givenchy mules beneath the bed then I stormed to the kitchen. I sat on my usual seat first while they were all preparing the table.

"Tutti, bakit nasa mortuary room 'yong mga supot ng mga pinagkainan mong cream sticks?" Rum asked the Chinese leprechaun who was about to sat.

Napa-'oh' ang bibig ng pandak at binalingan si Hades na nakatayo sa tabi niya.

"'Bakit sa morgue mo nilagay? Di ba sabi ko itapon mo nang maayos sa basurahan?"

Rum facepalmed. She's seriously blaming the dog for that? Napahawak si Tutti sa noo niya nang pitikin iyon ni Dean nang mapadaan ito sa gilid niya.

"Dinamay mo pa talaga ang aso."

"Isa ka pa, Dean. Utang na loob, 'yong mga boxers mo, itago mo nang maayos! Kagat-kagat ni Hades kanina nang makasalubong ko siya sa lobby!" histerikal na pangaral ni Rum.

Dean turned to Hades. "Bad dog! Bad dog!"

Ang kawawang aso naman ay humiga sa sahig nang manisi na ang amo. Napairap ako. Bakit ba nila sinisisi ang aso?

"'Wag niyong sisisihin 'yong aso sa mga kalokohan at mga mali niyo. Mga college na kayo pero para kayong mga batang may yayang binabayaran na susunod sa mga galaw niyo," pangaral ni Rum sa kanila. He's not really pleased with it so he won't let it slip this time.

Tahimik na lang ding naupo ang dalawa kasama namin ni Snow. Napabuntong-hininga si Rum.

"Si Snow na lang ba talaga ang matino sa inyo?" he asked calmly.

"I'm still here," I argued, he turned to me.

"Hindi na ako makapasok sa wardrobe dahil sa dami ng mga gamit na binili mo. Kailangan ko pang tupiin lahat ng mga damit at ayusin ang mga gamit doon para magkaroon ng space."

I just rolled my eyes. He led the prayer and then we eat our breakfast. I reached for the pork giniling soup and only took the ground pork meat and the sabaw. Sa tuwing may nasasamang mga gulay ay itinatabi ko 'yon sa gilid ng plato ko.

Beast Charmings: Funeral Service for BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon