Episode 09: Blood, Tears, and Scars (Part 3)

2K 211 34
                                    

Episode 09: Blood, Tears, and Scars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 09: Blood, Tears, and Scars

Soundtrack: Bleeding Love by Boyce Avenue

"Ma, proud na po ba kayo sa akin?" nakangiting tanong nang walong-taong gulang na si Tutti habang hawak-hawak sa mga tenga nito ang walang buhay na kuneho.

Iyon na ang pinakamalaking kunehong nakita niya sa gubat at maging sa tanang buhay niya.

Tatiana icily spared her a look for a second before she returned to the book she was currently reading.

"Konti pa."

Bumagsak ang balikat ng bata kasabay nang mumunting pagkakabasag ulit ng kanyang puso.

                 • • • TUTTI • • •

YAKAP-YAKAP ANG TEDDY bear kong si Wordsworth habang nakahiga sa sofa ay napatingin ako sa pinto ng kwarto namin nang bumukas iyon. Snow got inside, carrying a huge book. Her cheeks were noticeably in crimson and her head lowered.

Nag-away naman ba sila ni Dean?

Sumunod naman sa pagpasok si Rum. May dala-dala siyang mga papel na ibinigay naman niya kay Snow paglapit niya rito. Snow mumbled her gratitude without looking at him. He then turned and smiled at me. 

"Pwede mo ba akong samahan kay Cara? Kakausapin natin siya," he said.

Tumango ako at naupo na saka inalis ang kumot sa katawan ko. Inabot ko ang remote at in-off na ang pinapanood kong makalumang Sailor Moon. I really love this '90s anime. Tumayo ako at naglakad papunta sa kama namin habang ipit-ipit sa kaliwang braso ko si Wordsworth. Inilapag ko siya sa pwesto ko sa kama saka ko sinikop ang buhok at tinali sa magulong ponytail.

"Here. Make Cara wear this so that she'll at least look expensive when she crossed the afterlife," Queen remarked when she entered the room.

Inabot niya sa akin ang isang puting bestidang naka-hanger na may malaking tatak na logo ng Chanel sa balot nito.

"Wow, bilib na talaga ako sa'yo," tudyo ko sa kanya.

Queen smirked, the kind that told me she's glad of being praised.

Ang mamahalin talaga ng babaeng 'to.

Kahit ang suot niyang peignoir ngayon ay alam kong isa sa mga bagong collection ng Victoria's Secret. Samantalang ako naman naka-ternong pajama na short sleeves at shorts na may mga printang bunnies. Parang bata talaga, e.

Lumabas na kami ni Rum ng kwarto. Dumaan muna kami sa opisina niya upang kunin ang clipboard na siyang List of Dead namin at isang itim na kahon. Dinala niya ang mga iyon papunta sa kwarto ni Cara sa third floor. Rum knocked three times first before turning the doorknob open. Nauna siyang pumasok. Sumunod naman ako. Naabutan namin si Cara na nakaupo sa dulo ng kama niya. Humila ng dalawang silya si Rum at ipinuwesto iyon sa harapan ni Cara na nakatulala pa rin. We sat on the chair and Rum began the conversation.

Beast Charmings: Funeral Service for BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon