Episode 25: Snowdrops

1.6K 183 9
                                    

Episode 25: Snowdrops

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 25: Snowdrops

                 • • • SNOW • • •

MADALING ARAW KAMING tutulak bukas papuntang Salay. Uuwi ako sa probinsya namin upang magdiwang ng 20th birthday ko. Siyempre kasama ko ang Charmings. Sabi ni itang at inang ay pwede ko daw silang isama. Sobrang saya ko dahil doon.

Naghahanda kaming mga babae sa kwarto ng dadalhin namin ngayon. May mga damit naman na ako doon kaya kakaonti lang ang inempake ko. Nasa loob ng pulang Jansport na bag ko pinagkasya lahat. Si Tutti naka-malaking Herschel na bag.

Habang tinatapos ang ginagawa ko ay nabaling ako kay Queen. Kanina pa siya pabalik-balik sa banyo at sa kama namin kung saan nakalatag ang mga gamit niya. Nakabukas ang maliit niyang maleta habang pinapasok niya lahat doon. Tumayo ulit siya at bumalik sa banyo tapos pagbalik niya sa kama ay dala-dala na niya ang iba niya pang mamahaling skincare products.

Pekeng naubo si Tutti sabay parinig ng, "Snow, pakisabi naman sa isa r'yan na dalawang araw lang tayo r'on at hindi isang linggo."

"I can't last an hour in an unknown province without my stuffs," rason pa ni Queen at patuloy na pinuno ang kanyang maleta.

May hinawakan na jar ng moisturizer si Tutti na nasa kama namin. Inikot niya iyon at binasa tapos biglang nabitawan niya na para bang napaso siya habang nakanganga pa na tila nagulat.

Napahagikhik ako nang hawakan ni Tutti ang puso habang umaatras na para bang kina-cardiac arrest siya.

"Himmeldonnerwetter. $13,000 for a 50-gram jar of that moisturizer?! Anong secret ingredient n'yan? Gold?!"

Nagulat naman ako. Mahigit 600,000 din 'yon kung i-coconvert sa peso. Parang isang kamao ko lang din ang laki ng moisturizer na iyon.

Queen smirked and reached for it to display it with pride right before our eyes.

"It's a La Créme moisturizer of Cle de Peau Beaute and only three jars of these were being sold. Guess what?"

"And you're one of those three inconsiderate unwise consumers who bought them!" Tutti exclaimed.

"It's worth the price!" Queen insisted.

"That amount could feed a lot of starving children out there," Tutti argued.

"It's not my fault why half the world is poor!"

"Girls, girls, tama na 'yan," pigil ko sa dalawa bago pa sila magbangayan.

Laking pasalamat ko at nagpatuloy naman sila sa ginagawa nila.

NAGISING KAMI BANDANG alas-tres ng umaga nang katukin kami ni Rum upang maghanda. Dali-dali naman kaming nagbihis. Si Tutti nasuot ng black Snoopy print sweater saka drawstring waist jeans at sneakers. Si Queen naman naka-lavender na fleece sweater at black pants saka slip ons. Nabihis naman ako ng pink hoodie at jeans saka sneakers.

Beast Charmings: Funeral Service for BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon