Episode 61: Princess in the Prob
🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂
"Wow, Princess! Bago ba 'yang bag mo?"
Nalukot naman agad ang mukha ni Princess sa tanong ng kaklase niya, halatang hindi nagustuhan ang tanong nito.
"Oo naman! Duh!" maarte niyang sagot. Umirap siya at inayos ang pulang handbag sa braso saka ito nilagpasan.
She is Princess Batumbakal but in Sta. Monica Public High School, she is the queen.
Anak ng head teacher ng eskwelahan at nakakaraos sa buhay na magsasaka. Tipikal na milenyal si Princess. Mahilig sa uso, materyal na mga bagay at gustong nakukuha ang kahit na anumang naisin. Bagay na hindi nagugustuhan ng ina pero pinagbibigyan ng pasensyosong ama dahil ayaw nitong ikahiya ng anak ang kanyang trabaho. Although he knew that being a farmer is a noble job, his Princess always thought of it as simple and would even encourage him from time to time to just sell their land and give up on that.
She saw how her classmates flocked the area wherein the daughter of an engineer was seated. Tumaas naman ang kilay niya at nagpahalukipkip. Gusto niyang nasa kanya lang ang atensyon. Siya lang dapat ang famous sa Sta. Monica.
"Anong meron do'n at pinapalibutan nila ang pangit na 'yon?" she asked her classmate nearby.
"May iPhone 12 kasi si Betty. Siyempre namangha naman sila kasi kalalabas pa lang no'n. Ang swerte nga ni Betty, e-"
"Pangit naman," putol niya sa kaklase. She doesn't like hearing others complimenting people other than her.
Padabog na inilapag ni Princess ang handbag sa armrest ng upuan niya saka siya naupo at nagpahalukipkip. Ayaw na ayaw niyang nauungusan siya. She will ask her father later to buy her that. Siguradong hindi siya tatanggihan no'n.
"Pero gusto ko nga ng iPhone 12!" iyak at pagmamaktol niya sa harap ng ama.
Rudy was torn but the gadget was too expensive. Kailangan din ng pera ng asosasyon nilang mga magsasaka para magsampa ng petisyon sa lupang sinasakahan nila na balak nang kamkamin ng pamilyang may hawak ng titulo raw nito. Siyempre ay hindi sila papayag. Hindi man kalakihan ay may sariling lupang sakahan si Rudy kaso ayaw niya rin namang pabayaan ang mga kapwa niya magsasaka lalo na at siya ang nagsisilbing lider sa kanila.
The said farmers cultivated that land for fifteen years and now that the landowners suddenly showed up, they do not want to just give it up because they poured so much effort and time in enriching that. Lalo na at may sabi-sabing balak daw gawing subdivision at commercial buildings ng mga may-aring parehong nagtatrabaho bilang real estate developers ang sakahan nila. That land was the heart of rice crops in their province. Nubenta porsyente ng mga palay ang nagmumula sa lupang iyon dahilan na kapag nawala ay paniguradong malulumpo ang ekonomiya ng probinsya nila. Aside from that, the farmers also felt deeply connected with their lands. Itinuturing na nilang karugtog ng mga buhay nila ang lupang iyon at ang pagsasaka roon kaya ipaglalaban nila iyon sa korte.
BINABASA MO ANG
Beast Charmings: Funeral Service for Beasts
FantasyAre you dying? Or are you preparing to die? Do you have recently dead loved ones? Do you want to treat them and yourself to a one-of-a-kind funeral? Well, worry no more! Charmings' Funeral Home has got you covered! Serving you with our ever-compet...