Episode 46: Stumbled Lino
🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂
"Tay, sira na po 'yong sapatos ko," sabi ng singko-anyos na batang si Tonton habang hawak ang sapatos niyang nakanganga na.
Nilapitan naman ni Lino ang anak na hanggang balikat na niya. Siya ay may kondisyong dwarfism at mag-isang itinataguyod ang kanyang dalawang anak na lalaki.
Kinuha ni Lino ang tsinelas ng anak at ibinigay dito.
"Anak, ito na lang muna ang gamitin mo ha. Babali si tatay sa trabaho mamaya at bibilhan kita."
"Tay, wala na rin po akong lapis," saad naman ng nuebe-anyos niyang panganay na si Marvin.
"Tonton, anak, mahaba pa ba 'yong lapis mo?"
"Opo, tay. Ito, oh," tugon nito sabay abot ng Monggol 2 niyang lapis.
"Anak, hahatiin ko muna ang lapis niyo ha. Kapag may pera na si tatay mamaya bibilhan ko kayo nang tig-iisa-isa."
"Sige po, tay!" nakangiting sagot ni Tonton.
"Tay, hindi na lang po ako papasok. Titigil na lang ako sa pag-aaral," untag ni Marvin.
"Marvin, 'yan ang huwag na huwag mong gagawin. Ginagapang ko 'yong pag-aaral niyo kahit na hirap na hirap tayo kasi gusto ko kayong makapagtapos. Para hindi kayo gumaya sa akin."
Hindi sumagot ang masama ang loob na si Marvin.
"Kailan nga pala 'yong P-D, 'yong meeting niyo?"
"PTA po, tay. Bukas po pero mas mabuti kung hindi na lang kayo pumunta," sagot ng anak.
"Pasensya ka na, anak. Hindi kasi nakapag-aral ang tatay niyo. Magpapaalam ako sa boss ko para makapun-"
"Sabing huwag na po, e! Pagtatawanan na naman nila ako dahil sa inyo!" putol ni Marvin sa ama.
Natigilan at nagulat si Lino pero tipid niyang nginitian ang anak at tumango. Naiintindihan niyang nahihiya ito dahil sa kondisyon niya.
Hinatid ni Lino ang mga anak hanggang sa gate lang ng paaralan ng mga ito dahil ayaw ni Marvin na nakikita ng iba pa ang tatay nila dahil magiging tampulan na naman sila ng katatawanan at tukso ng kapatid. Masyadong bata pa si Tonton para maintindihan kung gaano ka mapanghusga ang lipunan.
"Tay, hatid niyo po ako sa classroom, tay, " hatak ni Tonton sa kamay ng ama.
"Tonton, ano ba?! Halika na sabi! Ako na maghahatid sa'yo!" giit ni Marvin.
"Pero gusto ko si tatay!"
"Tonton, anak, sumunod ka na kay kuya kasi male-late na kayo. Marvin, mag-iingat kayo ng kapatid mo," bilin ng ama sa kanila.
BINABASA MO ANG
Beast Charmings: Funeral Service for Beasts
FantasyAre you dying? Or are you preparing to die? Do you have recently dead loved ones? Do you want to treat them and yourself to a one-of-a-kind funeral? Well, worry no more! Charmings' Funeral Home has got you covered! Serving you with our ever-compet...