"Hoy babae, ba't bigla ka namang nawala sa club nung Friday?" Tuloy-tuloy na sabi ni Stacie habang papasok sa apartment ko."Hello ha?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.
Ang kapal ng mukha, di muna umupo bago mag tanong sakin.
Dumiretso siya sa sofa at pinatong ang kanyang paa sa coffee table na nasa harap niya. Kinuha niya ang remote ng TV at binuksan ang Netflix Account ko.
"Kapal ng mukha ha? Bahay mo? Bahay mo?!" Sabi ko sa kanya habang palapit. Sinipa ko ang paa niya sa aking coffee table.
Tinignan niya ko ng masama at humarap sa akin. Siningkitan niya ako ng mata na para bang sinusuri niya ako.
"Dudukutin ko 'yang mata mo. Tignan mo." Sabi ko sa kanya. Sinampal ko ang mukha niya ng mahina.
Hinawakan niya ang mukha niya habang nanlalaki ang mata.
Ang OA talaga nito.
"How dare you?!" Biglang sabi nito. Kinuha niya ang cellphone niya at ginamit ito bilang salamin.
"Ang OA mo teh! Ang hina-hina lang eh." Sumbat ko dito.
Inismiran niya lang ako at ibinalik ang tingin sa akin. Ngumiti siya ng nakakaloko. She wiggled her brows.
Feeling cute, amp.
"Ano ba yon? Ba't ganyan ka makatingin?"
"Bakit nawala ka bigla sa club nung Friday, ha?" Ulit niya sa tanong niya kanina.
"Edi umuwi ako, duh?" Sagot ko sa kanya. I rolled my eyes at her.
"Weh? Bakit nakita kita sa story ni Kai? Ikaw ha!" Sabi nito sabay palo sa akin. Hinampas hampas niya pa ko habang kinikilig.
Mukha siyang bulate na inasinan.
"Ha? Hindi ko nga kilala 'yon." Nagtatakang sabi ko dito.
Wala naman akong kilalang Kai.
"Wait! I took a screenshot of his story!" Sabi nito sabay kalikot sa cellphone niya.
Hinarap niya sa akin ang cellphone niya. Nagulat ako ng makita ang picture.
What the hell?
Ang screenshot na ipinakita niya sa akin ay ako at 'yung lalaking duguan sa apartment ko at 'yung yumakap sa akin sa club.
Inagaw ko ang cellphone niya. Muntik ko ng maibato ito sa harap pero pinigilan niya ang kamay ko at inagaw agad sa akin ang kanyang cellphone.
"Hindi ako 'yan." Tanggi ko dito.
"Sus, that's what you're wearing kaya nung friday sa club! And I know your built kaya!" Maarteng sabi nito sa akin.
"Hindi nga ako yan! Malay mo may kapareho lang ako ng damit noon?"
"Stop lying, babe. So what's the score between you two?" Curious na tanong nito sa akin. Lumapit pa siya sa akin habang inaabangan ang sagot ko.
Kinulit pa niya ako ng kinulit nang hindi ko siya sinagot. Niyugyog niya ang balikat ko habang ngumangawa.
Parang bata amp.
I sighed.
"I don't know his name. But I help someone last Thursday. Wala kasi siyang malay noon at duguan pa sa may kalsada." sagot ko sa kanya.
"Hoy! Anong duguan ka diyan? Bakit hindi mo kinwento sa akin?!" Reklamo niya. Hinampas-hampas pa ako. Tinignan ko siya ng masama.
"Because it is not that important. I don't even know his name." Sagot ko dito habang iniismiran siya.
BINABASA MO ANG
Loving the Bad
RomanceQetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her place and when she woke up the man is already gone. Kai Thierrey Valdez is a Pol-Sci student at the...