During the first week of the classes, puro attendance lang ang ginawa namin. Mayroon din kaming mga inayos na booth para sa College namin dahil mayroong kaniya-kaniyang theme na ibinigay ang mga student body.Sa buong linggo na iyon ay puro si Stacie ang kasama ko. Minsan naman kapag hindi namin duty na magbantay sa booth ay pinupuntahan namin ang mga kaibigan namin.
Ang College naman ni Kai ay masyadong busy dahil mayroon silang mga prof na nagsimula agad ng klase noong third day kaya hindi kami masyadong nakalabas.
Wala namang kaso iyon para sa akin dahil mayroon pa namang sabado at linggo para naman makapag-usap kami.
During the whole week ay hatid-sundo na ako ni Kai. He told me that it was his way of making it up to me.
Tuwing nag-uusap kami ay hindi na namin madalas na pinag-uusapan ang tungkol kay Febbie. He never mentioned it. We just talk about us.
"Is she still staying at your house?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ang aking seatbelt.
"No, she's already at the hospital so she can receive proper treatments." Sagot niya habang nag da-drive.
Inabot niya sa akin ang cellphone niya kaya napakunot ang aking noo.
Anong ga-gawin ko sa cellphone niya?
"What?" Takang tanong ko.
Dahan-dahan kong inabot ang cellphone niya mula sa kaniyang palad.
"Papa wants to meet you today." Ngisi niya sa akin.
Anong gusto akong i-meet?!
Ipinakita niya ang text ng kaniyang tatay sa akin kaya nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.
"Ha?! Anong i-meet? Hindi ako ready!" Natatarantang sagot ko sa kaniya.
Grabe naman mang gulat ang tatay niya! Hindi ako ready!
Pinagmasdan ko 'yung suot ko. Sobrang nag sisi ako dahil ito ang napili kong i-suot.
Naka denim pants lang ako at isang puti na off-shoulder. Hindi naman kasi sinabi ni Kai na gusto akong i-meet ng tatay niya! Sana nag gown ako!
"You look fine." He chuckled.
Marahan niya akong tinignan bago ibinalik sa kalsada ang tingin.
"Anong 'You look fine'? Tignan mo!" Itinuro ko ang damit ko sa kaniya. "Sana nag gown nalang ako, kung alam ko lang eh!" Maktol ko sa kaniya.
"Really, gown?" Humalakhak siya. "You look really fine, Amara. Don't be nervous. If you will see Papa? Mukha lang siyang hardinero."
"Ngayon na daw ba?" Kinakabahang sagot ko.
"Dinner pa naman, excited mo masyado eh." Tinawanan niya ako.
Anong excited? Baka kinakabahan! Mukha na akong constipated habang nakaupo dito!
"Akala ko mag de-date lang tayo, bakit biglang mayroong meet the parents?" Nanlulumong tanong ko sa kaniya.
Sana man lang nag warning 'yung tatay niya sa amin.
"Hoy Amara, nagulat lang din ako. Bigla nalang akong tinext ni Papa. Ayaw mo noon makikilala mo na future parents mo?" He wiggled his brows before winking at my direction.
Habang nag da-drive siya ay tanong lang ako ng tanong tungkol sa Papa niya. Kung anong ayaw, anong gusto, kung mabait ba, kung tingin niya pasado ba ako sa tatay niya. Hindi na ako nagtanong tungkol sa nanay niya dahil alam ko naman na ayaw niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Loving the Bad
RomanceQetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her place and when she woke up the man is already gone. Kai Thierrey Valdez is a Pol-Sci student at the...