Chapter 13

4.2K 92 8
                                    


Nagising ako dahil sa malakas na palo sa akin ng unan. Iritado kong tinignan kung sino man ang pumalo sa akin noon. Nakita ko si Stacie na naka-towel pa.

"Let's go na! Maligo ka na!" Sigaw niya sa akin habang inaayos niya ang towel sa kanyang ulo.

Gumulong-gulong muna ako sa kama bago tumayo at pumunta ng banyo.

Mabuti na lamang at mayroong heater dito dahil sobrang lamig ng tubig. Agad akong naligo at lumabas ng banyo upang kunin ang damit ko.

Pumasok ako ulit at nagsimula ng magbihis. Nakasuot ako ng isang puting sleeveless mini dress. Sa loob noon ay isang mustard yellow na two piece. Nag blow dry ako ng buhok at naglagay ng cheek tint at liptint bago lumabas.

Iniabot ko ang cellphone ko mula sa night stand at tinignan ang oras. Alas kwatro na ng umaga.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok sina Rei at Nadia.

"Buti naman gising ka na?" Turo sa akin ni Rei.

"Oo nga girl! Kanina ka pa namin ginigising. Pumasok pa dito si Kai para gisingin ka kaso dedma ka lang." Tawa sa akin ni Nadia.

Nanlaki agad ang mga mata ko.

Nakita ako ni Kai na tulog?!

"Ha?! Bakit niyo pinapasok?!" Gulat na tanong ko sa kanilang dalawa.

"Hindi namin pinapasok. Siya yung biglang pumasok para gisingin ka." Paliwanag sa akin ni Rei.

What the hell?! Baka mamaya ay tulo laway pa ako at nakita iyon ni Kai! This is so embarassing! Baka mamaya ay ma-turn off siya sa akin.

Sabi pa naman sa akin ni Stacie na ang pangit ko kapag natutulog. Hindi ko pa naman chineck ang itsura ko kanina sa salamin at basta'ng naligo nalang.

Natulala pa ako ng ilang segundo doon bago kinuha ang mga gamit ko at nagligpit. Inilagay ko sa hiwalay na bag ang mga nagamit ko ng damit upang hindi ito humalo sa mga gagamitin ko palang.

Lumabas ako ng room upang pumunta na sa baba kasabay si Rei at Nadia.

"Type na type ka siguro ni Kai 'no? Sinundan ka pa talaga ngayong bakas—. " Ani ni Rei. Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay kinurot na siya ni Nadia. "Aray!" Reklamo niya.

Hinimas niya ang parte sa kaniyang braso na kinurot ni Nadia.

Anong sinundan? Hindi ko naman sinabi kay Kai kung saan kami pupuntang beach.

"Ha? Anong sinundan?" Takang tanong ko sa dalawa.

"Ha? Wala naman akong sinabing sinundan ah." Bawi ni Nadia. Awkward pa siyang tumawa at pinaypayan ang sarili gamit ang kaniyang kamay.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hoy babae, narinig kita. Ano ko bingi?" Maarteng bigkas ko sa kaniya.

Tinignan niya si Rei na parang nagmamakaawang tulungan siya. Inirapan lang siya ni Rei at nagkunwaring mayroong ka-text.

Nagbuntong-hininga siya bago magsalita.

"Kagabi kasi sinabi ni Stacie na kaya nakasalubong natin sila Kai ay dahil sinabi niya kung saan tayo pupunta." Aniya. "Tulog ka kasi kaya hindi mo narinig!" Sisi pa niya sa akin.

Napangisi ako. Si Stacie talaga!

Saktong bumukas ang elevator kaya't lumabas na kami. Hinila ko ang maletang dala-dala ko.

Lumabas na kami ng hotel at doon ko nakita ang iba ko pang mga kaibigan. Nasa parking lot ang mga sasakyan at nasa labas sila. Tinulungan kami ng apat na driver sa dala naming maleta. Ibinigay naman namin iyon sa kanila.

Loving the BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon