Naghahanda na ako ngayon para bisitahin ang puntod ng aking mga magulang sa Bulacan.Nagsuot lang ako ng isang white na t-shirt at isang itim na shorts. I bun my hair. Kinuha ko ang bag ko at ini-lock na ang aking apartment.
Magco-commute nalang ako ngayon dahil hindi naman kalayuan ang Bulacan kaso nga lang ay maiinit.
Pumunta ako sa terminal at doon ay nag-abang ng masasakyan. Pinaypayan ko ang aking sarili dahil sa sobrang init. Pinunasan ko ang butil ng mga pawis na tumutulo mula sa aking leeg.
Napatigil ako sa pag papaypay ng mayroong pamilyar na kotse ang tumigil sa aking harapan. Ibinaba ni Kai ang bintana noon.
"Hop on." Binuksan niya ang car door at iminuwestra akong pumasok.
Agad naman akong pumasok dahil naririnig kong nagre-reklamo ang mga tao sa likod ko.
"How did you know I am here?" Takang tanong ko sa kaniya.
Wala naman akong maalalang sinabihan ko siya na aalis ako ngayon maliban sa mga kaibigan ko.
"Stacie." Maikling sagot niya.
I mentally slapped my head.
Minsan talaga ay hindi mo maasahan si Stacie sa mga ganitong uri ng impormasyon.
"I'm going to Bulacan, sa sementeryo." Basag ko sa katahimikan.
"Yeah, I know. Stacie also mentioned that." He chuckled.
Napatingin ako sa kaniya at napairap.
Of course! Stacie mentioned it.
Kai continued to drive. Mabuti na lamang at hindi ganoong ka-traffic ngayon sa Bocaue kaya mabilis din kaming nakarating.
Huminto muna kami sa isang flowershop. Bumili ng boquet si Kai at iniabot iyon sa akin.
"Para magustahan nila ako." Tawa niya sa akin habang iniaabot ang boquet. Inilagay ko iyon sa aking hita.
"As if they would like you." Asar ko sa kaniya.
"What's not to like?" Mayabang niyang sagot sa akin.
Hinawakan niya ang kaniyang baba at kunwaring nag sa-salamin.
Natawa ako dahil sa kalokohan niya.
Itinuro ko sa kaniya ang direksyon papunta ng sementeryo. Bumaba kami doon at naglakad papunta sa puntod ng aking mga magulang.
Nagpaiwan naman siya sa lilim ng isang puno.
Tuloy-tuloy lang akong naglakad doon at inilapag ang bulaklak. Kumuha din ako ng dalawang kandila mula sa aking bag at sinindihan iyon.
"I miss you, Ma, Pa. I hope you're still with me." Tumulo ang aking luha. "It's been what? 6, 7 years? Pasensya na at ngayon lang po ako muling nakabalik dito, medyo busy po kasi sa school. I'm taking Med, I hope I'll be able to pass." Natawa ako ng kaunti at pinunasan ang aking luha.
Kinuwentuhan ko ang parents ko tungkol sa mga nangyari sa akin. Simula sa mga kaibigan ko at pati na din ang mga frustation ko sa school.
"If you're both are wondering. I am doing good po. Mayroon akong part time job at may scholarship din. Nakatira po ako sa isang apartment kaso medyo masungit iyong may-ari." Tumawa ako ng kaunti.
I imagined them beside me, laughing because of my silly stories and joke.
Before the accident ay sobrang supportive sa akin ng parents ko. They supported me on everything I do. Kahit na hindi kami ganoon kayaman ay nagawa nilang ibigay sa akin ang lahat ng gusto ko.
BINABASA MO ANG
Loving the Bad
RomanceQetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her place and when she woke up the man is already gone. Kai Thierrey Valdez is a Pol-Sci student at the...