"Hello, bitch."Pumasok si Stacie sa loob ng coffee shop na suot-suot ang kaniyang apron at sariling name tag. Pinayagan na siya ng mommy niya na mag trabaho dito ngayong summer kasama ako.
"Bagay ba?" Umikot siya upang ipakita sa akin ang suot niyang apron.
"It fits you. Bagay ka palang maging waitress." Tawa ko sa kanya. Inirapan lang niya ako.
"You should be thankful that I am here, kaya!" Sumbat niya.
Kaya lang naman siya pumasok dito ay dahil sa akin. I guess she was too bored at home so she decided to work.
"Edi thank you."
"Welcome ha, grabe." Sarkastikong sagot niya sa akin.
Nagsimula na kaming mag-ayos ng mga gamit at maglinis ng mga table. Binuksan na din namin ang aircon at hinayaang lumamig ang loob ng coffee shop.
Half-day na lamang ako dito sa coffee shop dahil mayroon na akong kapalitan ng shift. Ako sa umaga at siya sa tanghali. Si Stacie naman ay pu-pwedeng umalis sa kahit anong oras niya gusto dahil sila naman ang may-ari nito at hindi siya official staff ng kanilang coffee shop.
Nagsimula na akong kumuha ng order mula sa counter. Si Stacie naman ay kasama ko lang dito sa counter dahil ayaw daw niyang mapagod.
Napanguso ako, Anak mayaman talaga!
Nang malapit ng matapos ang shift ko ay dumating na si Angela, ang kapalitan ko.
"Hi, Good Afternoon!" Bati ko sa kanya. Nagsimula na akong turuan siya kung paano gamitin ang computer at ang presyo ng mga produkto. Ibinigay ko sa kanya ang menu upang hindi siya malito sa presyo nito.
Si Louie at Kristine na ang bahalang mag bantay sa kanya.
Nag-ayos na kami ng gamit ni Stacie upang makaalis na ng shop. Inilagay namin ang apron at name tag namin sa locker at tsaka lumabas.
I was busy finding my purse in my bag when I bumped to someone. Tiningala ko ito.
"Hi, pa-order." Bungad sa akin ni Kai.
"Tapos na ang shift ko. Sa counter ka um-order." Sabi ko sabay turo sa kanya sa counter kung nasaan nakatayo si Angela.
"Ibibigay ba nila sa akin kahit anong order-in ko?" Tanong niya.
Tinatanong pa ba iyan?
"Duh? Of course, As long as it is on the menu." Sarkastikong sagot ko sa kanya.
Tanga ba siya?
"Can you be the one to get my order?"
"Tapos na nga 'yung shift ko."
"Patingin nalang ng menu?"
Napairap nalang ako sa hangin at dumiretso sa counter.
Pwede naman na dito niya tignan ang menu, 'diba?
Tinitignan ko siya habang pumipili siya ng bibilhin. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa menu.
Tinignan ko si Stacie na naglalakad na palabas. Hindi niya man lang ako tinawag para makaalis na kami!
"Wala dito 'yung gusto kong order-in." He stated as he look back at me.
'Edi huwag kang bumili' bulong ko sa aking sarili.
Kinuha ko ang menu at itinuro sa kanya ang mga best seller namin na inumin at bake goods.
"I don't like that." Sagot niya matapos kong sabihin lahat ng best seller namin.
BINABASA MO ANG
Loving the Bad
RomanceQetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her place and when she woke up the man is already gone. Kai Thierrey Valdez is a Pol-Sci student at the...