Chapter 39

3.8K 78 1
                                    



"Hoy ang pogi pala ng patient mo!" Sinalubong ako ni Franceska.

Sino pa ba ang tinutukoy niya? Syempre si Kai.

Isa siyang nurse dito sa ospital.Nakasuot siya ng nurse uniform. Isa siya sa kaunting bilang ng mga ka-trabaho ko na walang galit sa akin.

Magkahawak ang dalawa niyang kamay na naka-lebel sa kaniyang dibdib. Nakapikit pa siya habang nakatingala na parang nag de-day dream. Mukhang kinikilig pa siya dahil sa sobrang laki ng ngiti niya.

"Ha? Hindi naman masyado." Inisip ko ang mukha ni Kai.

Hindi na naka confine si Kai dito. I heard he was released this morning. Bukas pa talaga dapat siya mare-release pero hindi ko alam kung bakit nakaalis na agad siya ng ospital.

Kung dati ay sobrang na po-pogian ako sa kaniya ngayon ay hindi na. Sa dami ba naman ng poging lalaki na nakapaligid sa akin ay normal nalang ang ganoong itsura.

"Hoy okay ka lang ba?! Anong 'hindi naman masyado'? Ganoong tipo ng lalaki ang nasa pantasya ko no!" Dinuro pa niya ako gamit ang kaniyang hintuturo na para bang may mali akong sinabi.

"Gusto mo ba bigyan kita ng lalaki? Madami akong kilala." Wag lang si Kai dahil baka lokohin ka lang din noon. Ngumisi ako sa kaniya.

Madami namang single sa mga kaibigan ko. Mas may itsura pa nga ang mga iyon kaysa kay Kai.

"Patingin!" Sigaw niya agad sa akin.

Inabot ko ang cellphone ko sa kaniya at ipinakita ang mga litrato ng mga lalaking kakilala ko. Nakita kong tulala siya habang nag iis-swipe doon. Onti nalang ay tutulo na ang laway niya dahil sa mga litrato na mga iyon.

"Putangina ang pogi!" Mukhang na amaze pa siya. "Hindi ako makapili!" Parang maiiyak na si Franceska dahil sa sobrang kilig. "Sure ka kilala mo lahat ng 'to?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kaniya.

"Yeah, madaming pogi sa University namin." Inayos ko ang ibang records na nasa harap ko.

"Edi kayo na ang Favorite ni Lord!" Bigla siyang umirap sa akin.

Hindi makapili si Franceska sa mga lalaki na ipinakita ko sa kaniya. Lahat daw kasi ay gusto niya kaya nahihirapan siya.

"Lunch na!" Masaya niyang sigaw.

'Yon lang hinihintay niya simula pa kanina. Nagtataka pa ako dahil kanina pa siya nakaabang sa relo niya, kaya pala.

Sumabay na ako sa kaniya papuntang cafeteria para doon na kumain.

Habang naglalakad ay napakunot ang aking noo dahil sa pagtataka ng makita ang ibang mga nurse at doktor na nagkukumpulan sa isang bahagi ng cafeteria.

Anong meron? May artista ba?

Hindi ko na iyon pinansin at umupo nalang sa isang table. Si Franscesca naman ay gusto din na makiusyoso doon. Pinigilan ko nalang siya dahil baka mamaya ay dumating ang ibang mga doktor at mapagalitan pa sila.

Hindi uso ang salitang tahimik kay Franscesca. Panay ang daldal niya habang kumakain kaming dalawa. Kung hindi tungkol sa lalaki ay tungkol naman sa pagkain ang kinu-kwento niya.

Natigil kami sa pagku-kwentuhan ng isang paper bag ang bumagsak sa harapan namin.

Tinignan ko si Kai na kasama si Kaiden. Nakatayo silang dalawa sa harap namin at ayos na ayos.

Mula ulo hanggang paa ay tinignan ko si Kai. His manly built draw attention from the other tables.

Parang hindi galing ng ospital, a.

Loving the BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon