Pinagmasdan ko ang papalubog na araw mula sa dalampasigan. Namangha ako dahil sa sobrang ganda nito, sa pinaghalong kulay ng rosas at lila mula sa kalangitan."What are you thinking?" Nawala ang atensyon ko sa papalubog na araw at napabaling iyon kay Kai na katabi ko.
"Wala, I am just admiring the view." Sinandal ko ang aking ulo sa kaniyang braso.
Nakasuot lang siya ng isang itim na t-shirt at kulay cream na shorts. Nakalagay ang kaniyang kamay sa bulsa nito. Hinihipan ng hangin ang kaniyang buhok. Mula sa aking pwesto ay kitang-kita ko ang pag galaw ng kaniyang adam's apple dahil sa paglunok.
"You know what? I've always wanted to watch the sunset with someone." Tumingala ako sa kaniya.
Nakatingin lang siya sa kawalan habang sinasabi iyon.
"You should be glad, you've watched it with me." Sagot ko at tumingin na sa harap.
Tinignan ko kung pa-paano lamunin ng dilim ang liwanag. Kung paanong ang kaninang makulay na kalangitan ay napuno ng isang patay na kulay.
That's life. The sunset represented life. Sa pagsikat ng araw ay mayroong bagong pag-asa. Maraming maaaring gawin, ayusin at baguhin. Makikita mo ang mga taong nagmamalasakit sayo at sa pagsapit naman ng dilim ay mararamdaman mo ang mga tunay na nagmamalasakit sayo.
"I am glad. I've watched it with someone important to me." Aniya.
Hinawakan ko ang bewang niya at ipinulupot ang kamay doon. Hinalikan niya ang noo ko.
"Hindi ko alam na romantic ka pala?" Ngisi ko sa kaniya.
"Sayo lang." Humarap siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.
Ngayon ang huling araw namin dito sa Camara Beach. Bukas ng umaga ay babalik na kami sa Maynila.
Back to reality na-naman. I hope I could stay here with him and with my friends. Where everything feels perfect and at peace.
Naglakad-lakad muna kami sa tabing dagat. Mayroong beach party mamaya at mayroon ng mga nakaset up na stage at lights sa paligid ng resort.
"Feeling ko masaya mamaya!" Itinuro ko ang mga alak na inaayos ng isang lalaki.
Kumunot ang noo niya sa akin at ibinaba ang kamay ko.
I mean, maraming alak mamaya! And I'm sure we'll get really wasted. Bukas bago mag lunch pa naman ang check out namin dito at hindi naman kami ang mag d-drive ng sasakyan.
"Ang pangit naman ng taste mo sa lalaki," He said in a bitter tone.
Napatawa ako dahil sa kaniya. I am not pertaining to the man! I am pertaining to the drinks. Sobrang seloso pala nito ni Kai? Kahit alak pinagseselosan.
"Hindi naman kasi 'yong lalaki. 'Yong tinuturo ko ay 'yong mga drinks." Umirap ako sa kaniya. "And anong pangit ang taste ko sa lalaki? E'di pangit ka din?" Tinuro ko siya.
"I am not. Sa katunayan nga niyan ako ang patunay na maganda ang taste mo sa lalaki." Bawi niya pa.
"Ang pangit namang ng taste mo sa lalaki." I mocked his exact words.
Binelatan ko siya.
Nag-usap pa kami doon at nag talo tungkol sa kung ano-anong mga bagay.
"Hey, Stacie texted me. Balik na tayo?" Aya ko sa kaniya ng ma-received ang text ni Stacie na pinapabalik na kami sa resort dahil aayusan pa daw niya ako.
Tumango siya sa akin. Pumanhik na kami pabalik sa resort.
Tapos na naman akong maligo at nag-ikot-ikot lang kaming dalawa ni Kai sa beach pampalipas ng oras.
BINABASA MO ANG
Loving the Bad
RomanceQetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her place and when she woke up the man is already gone. Kai Thierrey Valdez is a Pol-Sci student at the...