Hinatak na ako ni Kai palabas ng bahay nila. Ibinilin niya kay Kyrie na ibigay ang kape kay Clary.Tulala ako habang hila-hila niya ako. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina kaharap ang mama niya at si Febbie.
Hindi ko talaga alam kung bakit ayaw sa akin ng mama niya. Hindi pa naman niya ako kilala. Maayos naman ang suot ko. Hindi naman ako mukhang pokpok. Sa katunayan nga ay hindi pa ako nakakapagsalita ay umayaw na siya agad sa akin.
Siguro gusto talaga ng nanay niya si Febbie. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niya akong iatrato ng ganoon dahil hindi naman niya ako kilala at lalong-lalo na ay dahil wala naman akong ginawang masama sa kaniya o kay Kai.
Sobrang ibang-iba siya kay Kai, Kyrie, Kiara at Malachai na mga anak niya. Sobrang friendly kasi ng mga iyon, pero siya? Kulang na lang ata ay bugahan niya ako ng apoy.
"Get in," Nawala ako sa mga iniisip ko ng magsalita si Kai.
Hindi ko napansin na nasa parking na pala kami. Tahimik akong pumasok sa kaniyang kotse at hindi na nagsalita.
I was biting my lips when he entered the car and start it. Agad siyang nag-drive palabas ng bahay. Hindi naman kami lumabas sa village. Nag drive siya papunta sa isang tahimik na playground. Walang tao doon dahil gabi na. Mabuti na lamang at mayroong mga street lights.
"So, who's Febbie?"
Hindi ko na natiis ang kuryosidad na unti-unting kumakain sa akin. Kailangan kong itanong iyon.
He stopped for a moment before sighing. Pinasadahan niya ng kaniyang kamay ang buhok bago humarap upang mahawakan ang aking kamay.
"First of all, I'm sorry about mama. Hindi naman siya ganoon sa iba." He frustatedly said to me.
Ganoon siya sa akin lang. Kaya siya ganoon ay dahil ayaw niya sa akin.
"That's okay." I lied to him.
Of course it is not okay! Nanay iyon ni Kai, siya iyong nag-alaga sa kaniya. I didn't expect that she wouldn't like me because base on Kai's story about his mother, she is nice.
"And uhm... about Febbie. She was my ex." Napatango ako sa kaniya.
Ex huh?
"Our mother's are friends, that's why she became my girlfriend. Kaya ko lang naman siya shinota ay dahil gusto ni mama." Sagot niya sa akin habang hinahalikan ang aking kamay. "I'm really sorry, baby."
Mukhang gustong-gusto ng nanay niya si Febbie at nagawa pa niyang gustuhin na maging manugang si Febbie.
"If your mother told you to marry her, would you?" Malamig na tanong ko habang nakatingin sa harapan.
Pinagmasdan ko ang parke na walang katao-tao at kung paano kumislap ang isang ilaw mula sa poste.
"Damn baby, no! I wouldn't even dream of marrying her." He paused for a while. Hinawakan niya ang baba ko upang maiharap sa kaniya. "I would not marry anyone if it's not you."
"You wouldn't know that." Matabang kong sagot.
Blood is always thicker than water. Ano ba niya ako? Girlfriend lang naman niya ako. Ano ang laban ko sa nanay niya na nag-alaga sa kaniya at nagluwal?
"I know that. I would not let my parents dictate my future—our future." Seryoso niyang sabi bago ako higitan upang mayakap.
"I don't know why she hates me." Sabi ko habang nasa kaniyang dibdib.
"She does not hate you— she just like Febbie."
Napaluha ako dahil doon. Does he know how to comfort a woman?
BINABASA MO ANG
Loving the Bad
RomanceQetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her place and when she woke up the man is already gone. Kai Thierrey Valdez is a Pol-Sci student at the...