"Mag review ka nga dyan!" Sigaw ko kay Kai dahil panay ang pangungulit niya sa akin dito sa tabi ko.Napanguso siya dahil sa pagsigaw ko at nagpatuloy sa pagbabasa ng kaniyang reviewer.
Nandito kami sa kaniyang condo para magreview dahil bukas na ang simula ng Midterm Examination.
Lumipat ako sa kaniyang bartender at doon nag review habang nasa sofa lang siya. Sa tingin ko kasi ay hindi kami makakapag focus na dalawa dahil puro paglandi lang inaatupag ni Kai sa akin kaya ako na ang nag-adjust. Ayoko naman na bumagsak kaming dalawa.
Papunta ngayon dito ang iba niyang kaibigan mula sa kaniyang course. Ayaw nga daw niyang papuntahin dito dahil makulit daw 'yung isa doon at baka hindi daw sila makapag focus pero mas okay na papuntahin niya dito ang mga iyon para makapagtanungan sila.
Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagbabasa, pagkakabisado at pagha-highlight ng mga importanteng terms sa aking libro.
Kaninang umaga pa ako nandito sa Condo ni Kai dahil gusto daw niya na maaga kaming mag review para magla-landian nalang daw kami pagkatapos.
Sobrang daming kalokohan!
Kakatapos lang namin dalawang mag tanghalian noong biglang mag ring ang cellphone niya. Isa iyon sa mga kaibigan niya na nagsabing pupunta dito.
Inumpog ko ang ulo ko sa bartender.
I groaned quietly upang hindi ko maabala si Kai na seryosong nagre-review na.
Bakit ba ang daming kakabisaduhin! Parang hindi naman nababawasan iyong inaaral ko! Na-review ko na naman ito noong nakaraan kaso mayroon pang iilan na terms ang hindi ko maintindihan kaya nire-review ko ito ulit.
I can't afford to fail!
Nakasimangot kong binasa muli ang aking mga reviewer at nagsimula muling magsaulo.
Napabaling ako sa pinto ng mag ring iyon. Tumayo si Kai upang tignan kung sino iyon.
Siguro mga kaibigan na niya iyon?
Hindi ko pa na mi-meet ang mga kaibigan ni Kai dahil madalas ko siyang nakikita na kasama lang ang mga pinsan.
Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagbabasa at pagsasagot ng ilang practice exam.
"Dude! Kanina pa kita tinatawagan! Bakit ngayon ka lang sumagot?" Malakas na sigaw ng isang lalaki habang pumapasok sa unit ni Kai.
Pumasok ang dalawang lalaki na kaibigan ni Kai. 'Yung sumigaw kanina ay mayroong dalang dalawang box ng pizza habang 'yung isa naman ay mukhang iritado habang hawak-hawak ang isang libro sa kaniyang kamay.
"Pahingi notes ah? Hindi ako nakapag lecture, e." Tawa noong may dalang pizza habang naglalakad.
"Don't be a hypocrite. Hindi ka naman talaga nag le-lecture, Pierce" Malamig na sabi noong isang lalaki.
Hindi pa ako nakikita noong dalawa dahil nakahiwalay ang bartender ni Kai mula sa living area niya.
"Why the fuck did you two have to review here? Mayroon naman kayong sariling bahay. Abala lang kayo, e." Narinig kong iritadong sabi ni Kai.
"Dude, we missed you! Hindi mo ba kami na-miss?" Tumatawang sabi noong Pierce.
"You have water?" Putol noong mayroong malamig na boses.
"Bobo ka ba Haji? Malamang mayroong tubig dito." Sarkastikong sagot ni Pierce sa kaniya.
"Fuck you, Pierce." Iritadong sabi ni Haji.
Nagpatuloy na ulit ako sa pagsasagot.
Sobrang lakas ng boses nila kaya nawawala ako sa focus!
Nakarinig ako ng yapak mula sa aking likod kaya napalingon ako sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
Loving the Bad
Storie d'amoreQetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her place and when she woke up the man is already gone. Kai Thierrey Valdez is a Pol-Sci student at the...