A week had already pass since the College End Party. Yes, that night when I saw Kai giving a necklace and hugging some girl.I just shrugged it off during that night. I mean, I don't really care about him and his girls. I just thought that he has Shan and he also has that girl.
Nagulat lang ako.
Mayroon akong papasukan na isang part time job ngayon. Inalok sa akin ito ni Stacie at tinaggap ko naman dahil kailangan ko ng pera para sa susunod na taon.
Hindi naman talaga ako mag-a-apply sa coffee shop na ito dahil unang-una ay pagmamay-ari ito ni Tita Gwen, ang mommy ni Stacie. Baka kasi sabihin ng ibang employee ay pinapaburan ako dito. But tita talk to me and insisted that I should work here.
Ang pinapasukan kong part time job ay isang Coffee Shop. They sell Coffee of course and some bake products. The location of the shop is quite nice dahil malapit ito sa Univesity namin at madaming estudyante ay dito tumatambay o nagpapalipas ng oras at bumibili.
Kahapon pa nag-simula ang first day ko. In-orient lang ako ng kasama kong nagta-trabaho sa gagawin ko. Ang posisyong nakuha ko sa kahera. Kahapon ay pinapanood ko lamang sila at tinuruan din ako kung paano timplahan ang mga kape dahil mayroong mga araw na punong-puno ang shop at kailangan ng tulong.
Pagkadating ko sa Coffee Shop ay sinuot ko na ang apron at ang name tag ko.
Ang simula ng opening ng coffee shop ay 10 am pa. Pumasok ako sa loob at nakita si Kristine at Louie doon na nag-aayos na ng gamit.
"Good morning, Amara!" Bati nilang dalawa sa akin.
"Good morning din!" Bati ko pabalik.
"Goodluck sa second day!" Sabi ni Kristine at pinagpatuloy na ang ginagawa.
Dumiretso ako sa cashier at inayos na ang pera doon. Inilagay ko na ang barya at ang mga papel. Chineck ko din kung mayroon pa bang papel para sa resibo. Nang makita kong paubos na ito ay pinalitan ko na iyon.
Nang pumatak ang alas diyes ng umaga ay nag-open na kami. Makalipas ang ilang minuto ay mayroon ng mga pumasok na mga customer karamihan dito ay mga babae. Kinuha ko na ang order nila at ibinigay ito kay Louie.
Si Kristine ang naghatid ng order nilang mga ice coffee at cake.
"Buti kakaunti pa lang ang tao." Salita ni Louie sa gilid ko.
"Oo nga eh, Mamayang hapon ay da-dami na iyan." Dagdag ni Kristine.
Si Louie at Kristine ay madalas na mag-away at madalang na magkasundo. Base sa nasaksihan kong pag-aaway nila kahapon. Pero sa tingin ko ay mayroong gusto si Louie kay Kristine dahil napapansin ko ang titig niya dito at pang-aasar.
I continued serving our custumers. Mamayang 12:30 pa ang break ko kaya nakatunganga lang ako doon.
Ang boring! Sana ay nandito nalang si Stacie para mayroon akong kausap.
Nang dumating ang oras ng break ko ay umupo ako sa isang bakanteng table at kinain doon ang pack lunch ko. Inalis ko na ang Apron at Name tag ko bago lumabas ng pantry.
Tahimik akong kumakain doon. Mamayang 1:30 pa ang tapos ng lunch ko.
Pagkatapos kong kumain ay inilabas ko ang cellphone ko. Pagkabukas ko ay nakita ko ang message ni Stacie.
From : Stacie
How's the second day, babe? May pogi bang customer?
Me :
Boring :( huhu. Ikaw ah puro pogi nasa isip mo.
From : Stacie
Kawawa naman besty ko :( buti nga sayo HAHAHA. Char! Puntahan nalang kita dyan!
BINABASA MO ANG
Loving the Bad
RomansaQetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her place and when she woke up the man is already gone. Kai Thierrey Valdez is a Pol-Sci student at the...