Chapter 12

4.6K 95 23
                                    


"Wala na ba kayong naiwan?" Tanong ni Ajax habang inilalagay ang mga gamit namin sa likod ng Van.

Ngayon ay aalis na kami para pumunta ng beach. It is still early, alas dos palang ng madaling araw. Tulog pa ang mga kapitbahay at mga manok. Gusto kasi ni Stacie na maaga kaming umalis para hindi kami maabutan ng traffic at upang maaga din na makarating.

Natulog ako kanina sa bahay nina Stacie para sabay na kaming dalawa ipi-pick up ni Ajax. We bought two vans. Ang isa ay kay Ryko at ang isa naman ay kay Ajax. Sumakay kami sa Van ni Ajax habang ang mga gamit ay nasa Van ni Ryko.

Isang linggo kami sa beach dahil iyon ang ibinook nina Stacie. Naipagpaalam na ako ni Stacie sa mommy niya na mawawala ako sa trabaho at agad namang pumayag si tita.

To: Kai Vasquez

Hey, paalis na kami! Inaantok padin ako :( Have a safe trip later!

I texted Kai before we exit Manila. Ngayon ay aalis din sila katulad namin. Hindi ko lang alam kung saan sila pupunta dahil ayaw sabihin sa akin ni Kai.

Pupunta kami ngayon sa Pangasinan. Ang una naming pupuntahan ay ang Hundred Islands para mag island hopping. Isang araw lang kaming mananatili doon at pagkatapos ay didiretso na kami sa Patar Beach. Tatlong araw kaming mananatili doon. Pagkatapos ay babalik kami papuntang Zambales para sa Camara Island. Doon ay tatlong araw din kami.

Natulog na ako sa loob ng sasakyan dahil inaantok pa ako. Tulog din ang mga kasama ko. Nagdala si Ajax ng dalawang driver na magpapalitan.

Naalimpungatan ako ng marahang tinapik ni Ajax ang mukha ko.

"Kain muna tayo." Aya niya.

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata. I look outside, it is still dark. I look at my phone to check the time. It is already 5 am.

Bumaba na ako ng sasakyan at nag-unat.

"Ang lamig!" Niyakap ko ang sarili ko.

I am only wearing a white spaghetti strap and a tattered shorts. I stretch my arms to awaken my body. Sumunod na kami kina Stacie sa loob ng McDo upang kumain.

Stacie was like the mom with us. Well, more like a naughty mom. She likes to keep things in order.

Nakapag-order na si Stacie at hinihintay na lang namin na i-serve ang mga in-order niya.

"Naiihi ako, wala bang Restroom dito?" Tanong ko at tumayo.

"Sa labas meron, malapit sa gas station." Nang marinig ko iyon ay nagmadali na akong lumabas ng McDo.

Halos takbuhin ko na ang papuntang restroom dahil sa naiihi na talaga ako. Muntik pa akong maligaw bago makarating sa Restroom.

Nang matapos ng makaihi ay naghugas ako ng kamay at lumabas na.

Ngayon ay hindi na ako nagmamadali. Dahan-dahan lang akong naglalakad pabalik sa McDo.

Napalingon ako ng makarinig ng pamilyar na boses.

"McDo nalang tayo!" Kumunot ang noo ko kay Kai na hinahawakan ang braso ni Raika.

"No, We're going to Jollibee." Mariing wika ni Raika.

"Kuya, hindi ka pa ba nagsasawa sa McDo? Nag McDo na tayo kagabi ah!" Maarteng sabi ni Kiara sa kapatid niya.

"Gusto mo lang puntahan si Amara doon eh!" Wika ni Uno.

"Iba talaga pag tinamaan na." Asar ni Dos sa kaniya.

"Speak of the devil and the devil shall come." Tinuro ako ni Kaiden.

Loving the BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon