Chapter 23

3.1K 65 7
                                    


This is Kai's last stay at Tagaytay with his whole family. Bukas nang gabi ang balik nila dito sa Maynila.

Simula kagabi ay hindi ko na siya na replyan pa. Mayroon pa siyang ilang text at missed calls sa akin na hindi ko na sinagot ngayon at kahapon.

I was still thinking about the picture Febbie sent me. I didn't want to think about it but it keeps on hunting my mind. The way she hugged Kai's waist. It kept on appearing on my mind.

I badly want to talk to Stacie or any of my friends but they are still out of the country. I didn't want them to feel bad about my situation during their trip. Dahil baka mamaya ay mapaaga pa ang uwi nila dito sa Pilipinas.

"What are you doing here again?" Kunot noong tanong ko kay Gabriel na nakapila sa harapan ko.

"To buy some food?" Ngisi niya sa akin.

Nawala ang atensyon ko sa pag-iisip ko sa ginawang pagsisinungaling ni Kai tungkol sa pagiging present ni Febbie kasama sila sa Tagaytay.

Umirap ako sa kaniya.

"Usual order?" Tanong ko sa kaniya habang nakabaling sa aking kamay.

"I'm glad you can remember my order." Mapang-asar na ngisi niya sa akin.

The nerve of this guy! Ang kapal naman ng mukha niya! Ang feeling masyado.

Paano ko hindi maaalala ang order niya? Halos araw-araw siyang nandito sa coffee shop at puro same order lang naman ang kinukuha niya.

"Stop imagining things, Gabriel." Sarkastikong sagot ko sa kaniya.

Tinanggap ko ang bayad niya sa akin. Napahinto ako ng sinadya niyang hinawakan ang kamay ko habang inaabot ang kaniyang bayad.

Tinignan ko siya ng masama bago ibinigay ang kaniyang resibo. Ngumisi siya sa akin at dinilaan ang kaniyang labi.

"Your hands are so soft, Amara." Sabi niya at kumindat pa sa akin bago umupo sa isang table.

Nag-alcohol naman ako agad ng kamay. Napatingin ako sa kaniya ng marinig ko ang halakhak niya.

I continued serving our customers my whole shift. Nandoon pa din si Gabriel sa table na kinuha niya kanina. Andami na niyang na order na pagkain dahil kanina pa siya nandito. Napa-iling nalang ako sa kaniya.

Dumiretso na ako sa locker room at inilagay doon angapron at name tag ko. Ibinaba ko ang buhok kong naka- ponytail at sinuklay iyon gamit ang aking kamay.

Napatigil ako doon ng mayroon na namang na receive na notification mula kay Kai.

Binuksan ko iyon.

From: Bebe Kai Pogi

Do we have a problem? Why are you not responding on my messages, Amara?

Ramdam ko ang pagka seryoso ng mensahe na iyon. He usually calls me babe, bebs or whatever endearment he can think of. Minsan lang niya ako tawagin sa aking pangalan.

From: Bebe Kai Pogi

Do you want me back there at Manila?

Itinago ko na ang cellphone ko ng mabasa ko iyon.

What the Heck. I'm sure he won't come back here at Manila specially because Febbie and his whole family is still at Tagaytay.

Mapait akong napalunok dahil naisip ko na naman si Febbie.

I probably look bitter while getting out of the coffee shop. 'Ni hindi ko na nga nabati pabalik sina Louie at Kristine dahil sa sobrang bad trip ko dahil sa lintik na Febbie na 'yan.

Loving the BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon