Chapter 47

4.1K 75 11
                                    



"Hoy, Kai Valdez! Nasaan na ang kaibigan ko ha?! Anong ginawa mo kay Amara!" Isang malakas na boses ng babae ang nakapagpagising sa aking mahimbing na tulog.

Hindi ko alam kung mangkukulam ba ang tumatawag sa akin dahil so sobrang lakas ng boses ni Stacie. Iritado kong tinakpan ang tenga ko gamit ang unan na pinapatungan ng aking ulo.

I groaned because of frustration.

Ang aga-aga pa!

"Damn, keep your voice low. Natutulog pa si Amara, baka magising." Narinig kong saway sa kaniya ni Kai.

Lumabas na ako ng kwarto upang matahimik na kakadaldal si Stacie sa unit ni Kai.

Hindi man lang nahiya!

"I swear kung mayroon kang ginawang masa—" napatigil siya sa pagsasalita at nanlaki ang mata nang makita akong lumabas. "OMG! Amara! Are you okay?!" Tumakbo siya palapit sa akin at tinignan ang buo kong katawan.

Mukha siyang drama queen ngayon.

Kunot noo ko siyang tinignan habang patuloy siya sa pag-ikot sa akin.

Nagkibit balikat lang sa akin si Ki at dumiretso na sa kaniyang kusina.

"I'm okay!" Inirapan ko siya.

"O my! Kanina lang sinabi sa akin ni Kai! Kung nalaman ko lang maaga ay pinuntahan na sana kita!" Muli na naman niya akong niyakap. "Where's the guy who planned to rape you?! My gosh! I'll call my parents to make sure he'll rot in jail!"

"Chill, Stacie. Okay lang naman ako. Besides dumating naman si Kai at Kyrie doon." Hinawakan ko ang balikat niya upang mapakalma siya.

"I can't believe those kind of men still exist!" Iritado niyang idinabog ang kaniyang paa.

"Girl, chill. Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kaniya.

Tinignan niya ako ng masama na para bang may sinabi akong mali.

"Duh? I'm worried 'cause I'm your friend?" Sarkastiko niyang sagot sa akin. "If you ever need a psychologist, I can get you one. Baka mamaya ay na-trauma ka." Ngumuso siya at lumambot ang boses nang sinabi iyon.

"Thank you, but I swear I am fine." Tanggi ko sa kaniya.

I was shocked yesterday dahil kahapon ko pa lamang iyon naranasan pero okay na naman ako ngayon dahil alam kong nadampot na ng mga pulis ang lalaki na iyon at nailagay na sa bilangguan.

"Okay, pero you can still tell me if you need one." Tumango siya sa akin. "May galos ka ba? Damn that man! Dapat sa mga ganoon ay maparusahan talaga!" She cursed that man again.

"Mayroon sa palad." I raise my hand to show her the scratch. "And masakit lang ang katawan ko dahil sa pagkakasabunot niya at pagtulak sa akin."

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Napa-aray ako dahil sa hapdi ng dumaplis ang daliri niya sa sugat.

"Mabuti na lamang at wala kang pasok ngayon." Tumango ako sa kaniya.

Mabuti na nga lang.

"Wait a minute," Huminto siya sa pagsasalita habang tinitignan ako ng masama. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. "Why the hell are you wearing Kai's shirt?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Oh.

Wala kasi akong damit na dala dahil hindi naman kami dumaan sa apartment. Hindi ko din naman alam na may mangyayari sa aking ganoon at dito ako mananatili sa unit ni Kai.

"This is better than wearing nothing." Sagot ko sa kaniya habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko.

"Weh?" Siningkitan niya ako ng mata habang nakangisi. "I think Kai prefers you naked." Sinamaan ko siya ng tingin.

Loving the BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon