"You alright?" Sinalubong ako ni Ryko at Ajax nang isang malaking yakap. Hinalikan nilang dalawa ang ulo ko.I hugged them both back.
These guys are so sweet!
"Yeah, yeah. I'm fine." I smiled to them to assure them that I'm okay.
Ajax and Ryko may look like an ass because of their naughtiness and craziness but trust me they are the best friends you can ever find.
If you find them, keep them.
Hindi man halata pero si Ajax at Ryko ay sobrang mapag-alala at gustong pinoprotektahan kaming mga kaibigan nilang babae.
Ang sabi pa nila noon ay sila lang ang may karapatng mang-asar sa amin at wala ng iba.
"We just heard what happened. Bakit hindi mo agad sinabi sa amin?" Bumalik ang pagkairitado sa boses ni Ryko.
"Kung hindi pa sasabihin sa amin ni Stacie ay hindi pa namin malalaman ang nangyari sa'yo!" Ajax pointed me like I am his enemy.
Pinatunog ni Ryko ang daliri niya sa kamay at ngumisi.
"Kung nalaman lang namin agad! Siguradong hindi na sisikatan ng araw ang lintik na 'yon!" Maangas na sinabi ni Ryko habang pinapatunog ang kaniyang buto sa daliri.
"Hoy! Tumigil nga kayo! Baka kayo ang hindi sikatan ng araw dahil d'yan sa mga sinasabi niyo!" Inirapan ko silang dalawa.
Wala ngayon ang ibang mga babae naming kaibigan dahil sa hindi naming malang dahilan. They are not replying on our messages instead they left us on read.
Mayroon na akong hinala kung bakit hindi sila sumama ngayon.
Ang malalandi na 'yon!
Maiintindihan ko kung si Rei ang hindi sasama dahil mas gusto niya na pinagtutuunan ng pansin ang boyfriend niya, pero sina Stacie, Rei at Frei? Nako! Sigurado na lalaki lang ang inaatupag ng mga iyon!
Dapat ay kasama namin ngayon si Gabriel ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din siya dumadating.
Ang sabi niya ay malapit lang siya. Hindi ko alam kung ang malapit ba para sa kaniya ay mula Estados Unidos papunta sa Pilipinas.
May usapan kasi kami ngayon na magkikita-kita upang pumunta sa isang event na hosted ni Aldous sa Cuenco Hotels.
Hindi madami ang nakatanggap ng invitation niya at tanging mga kakilala lamang niya.
Sadyang napakakapal lang ng mukha ng mga kaibigan kong babae upang tanggihan iyon.
Well, mayaman naman sila at kayang i-afford na pumunta sa mga ganitong klase ng hotel.
Magpapa-party lang ata si Aldous doon. Siguro ay wala siyang mapaglagyan ng pera kaya naisipan niyang mag pa-party na lang.
"Hay, putangina talaga ni Gabe kahit kailan!" Minura ng minura ni Ajax si Gabe na walang kaalam-alam.
"Sana kasi iniwan na lang natin 'yon! Baka mamaya ay tulog padin iyon." Tinignan ako ng masama ni Ryko.
Hindi naman ako nagpatalo at tinignan din siya ng masama.
Ako kasi ang nagpumilit na hintayin na namin si Gabe dahil baka mamaya ay hindi pa iyon sumipot. Apat na nga lang kami na pupunta doon, e.
We waited for a few minutes before, finally! Gabriel Ramirez entered the cafe like a a fucking Calvin Klein model.
That freak!
Nasira din ang poise niya nang makita niya ang grupo namin na nasa isang table na sobrang sama ng tingin sa kaniya at kahit anong oras ay maaari na siyang patayin.
BINABASA MO ANG
Loving the Bad
RomanceQetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her place and when she woke up the man is already gone. Kai Thierrey Valdez is a Pol-Sci student at the...