"Hoy, asan na si loverboy?" Tanong sa akin ni Kristine habang nginunguso ang dating pinu-pwestuhan ni Kai na table.Nagkibit balikat ako. Sa totoo lang ay hindi ko din alam kung nasaan si Kai ngayon. Nagsabi lang siya sa akin na hindi daw siya makakapunta ngayon. He didn't say why.
"Wala, eh." Maikling sagot ko.
Bagot na bagot na ako dito. Mayroon pa akong trenta minuto bago matapos ang duty ko. Nilibang ko muna ang aking sarili sa pamamagitan ng pag d-drawing ng kung ano-ano sa notebook na nasa harap ko.
I was busy scribbling some letters when I heard a cough.
"Ehem," Napatigil ako sa pagsusulat at agad na tumingin sa umubong lalaki sa harap ko.
Itinaas ko ang tingin ko sa kaniya. He was wearing a white t-shirt and a black shorts. Mayroon din siyang hawak na isang paper bag sa kaniyang kamay.
Mayroon palang customer!
Agad akong ngumiti sa kaniya at itinago ang notebook at ballpen na sinusulatan ko.
"Sorry po, Good afternoon, sir!" Hingi ko ng paumanhin sa kaniya. "Ano pong order niyo?" Dagdag na tanong ko.
"Good afternoon, Ano ba ang best seller ninyo?" Tanong niya sa akin sa isang nakakagiliw na boses.
Hindi siya regular dito dahil ngayon ko lamang siya nakita dito sa may shop. Usually kasi ay puro regular customer ang pumupunta dito.
Itinuro ko sa kaniya ang mga best seller namin sa mga baked products at drinks.
"Do you work full time here?" Tanong niya sa akin.
Nagulat naman ako dahil usually ay hindi naman kami tinatanong ng mga customer namin ng mga ganiyang tanong.
Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa paglalagay ng order.
Will it be rude to not to answer?
"No po sir," Sagot ko. Bago pa niya madugtungan iyon ay nagsalita akong muli. Itinaas ko ang tingin ko sa kaniya. "Is these all your order, sir?" Ngumiti ako sa kaniya.
"Yes," Napakot siya ng ulo bago ibinigay sa akin ang card niya.
Binigyan ko siya ng serving number kaya't hindi na niya muling nadugtungan ang sasabihin niya. Umupo siya sa isang table na malapit lang sa counter at doon ay naghintay. Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa akin kaya agad akong naasiwa.
I'm only used with Kai staring at me!
Mabuti na lamang ay matapos ang ilang minuto ay dumating na si Angela. Agad akong umalis sa counter at dumiretso na sa loob upang alisin ang apron at name tag ko.
Nagsalamin at inayos ko muna ang aking damit bago lumabas.
Nagpaalam ako kina Kristine, Louie at Angela.
"Ingat! Wala pa naman si lover boy!" Tumatawang kaway sa akin ni Louie.
Tinawanan ko nalang din sila bago lumabas ng shop. Sumakay ako sa isang jeep papapunta sa amin. Bumaba ako at naglakad ng kakaunti papunta sa aking apartment.
Nang makapasok ay hinubad ko agad ang suot kong sapatos at nagpalit ng damit. Inilapag ko sa table ang susi ng apartment.
Nasaan na kaya si Kai?
Nagtataka ako dahil kanina pa siya hindi nagte-text sa akin. Hindi ako sanay, bakit? Dahil halos oras-oras ay tine-text niya ako.
Inilabas ko ang cellphone ko upang mag compose ng message para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Loving the Bad
RomanceQetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her place and when she woke up the man is already gone. Kai Thierrey Valdez is a Pol-Sci student at the...