Chapter 18

3.6K 65 1
                                    


Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isip ko ang text na iyon.

Ang sabi ni Kai sa akin ay baka na wrong send lang iyon dahil hindi naman naka register ang contact number na iyon sa kaniya. Ngunit naghihinala ako dahil sa reaksyon niya ng makita ang text na iyon, parang kilala niya kung sino ang nag send sa kaniya ng message na iyon.

Hindi ko na lamang siya kinulit dahil baka nga na wrong send lang iyon at hindi naman talaga niya kilala.

Kakatapos lamang ng shift ko at pupunta akong mall ngayon kasama si Stacie. Hindi sana ako sasama dahil nagtitipid ako kaso ay kinonsensya naman ako ni Stacie na ang tagal na daw ng huli naming pagkikita kahit na dalawang linggo palang naman ang nakakaraan.

Minsan ay hindi ko talaga makuha ang pag-iisip ni Stacie. But that's why we are friends.

"So, how are you? Any updates? Baka mayroon ka ng jowa?" Tanong ko sa kaniya habang tumitingin tingin ng mga damit.

"I'm okay naman but as usual no jowa pa din. I don't know why nga, like I'm pretty naman." Conyo niyang sinabi.

Ibinato ko ang isang damit sa kaniya na nasalo naman niya. Tumawa siya dahil doon at ibinalik ang damit sa pagkakasabit.

"How 'bout you and Kai? How are things going?" Kuryoso niyang tanong habang tinitignan ang damit sa isang salamin.

"Good?" Patanong kong sabi. I sighed.

"Bakit parang di ka sure?" She chuckled. "Really, what's going on?"

I sighed agaib.

"Ilang buntong hininga pa bago mo sabihin?"

"We still see each other. But I don't know, something's off with him." Seryoso kong sabi sa kaniya.

"Like, you feel he have another girl around?"

I glared at her.

No, I know Kai wouldn't do that. That's not him and I know that he would rather break off things with me than to cheat.

"No," Umirap ako sa kaniya. "I think there is something going on pero hindi niya kasi sinasabi. Ayoko naman siyang pilitin."

I sighed again. Parang ang laki ng problemang pinapatong ko sa aking balikat.

"What's the prob then? You can ask him." She suggested as she gave her card to the sales lady infront.

"Thank you, ma'am." Sagot ng babae.

"Tinanong ko naman siya. Ilang beses pa nga pero wala eh."

"Hmm, something is fishy."

"Maybe I am just overthinking things? That's probably nothing. I mean he would tell me if it's really serious, right?" I laugh it off.

I am trying to assure myself. Hindi dapat kung ano-ano ang iniisip ko tungkol kay Kai.

"Ang hinala ng babae ay laging tama." Sabi niya habang naglalakad kami papuntang starbucks. "But suit yourself. Kai will probably tell you the problem."

"Hindi ako naghihinala." I rolled my eyes at her.

"Okay, sabi mo eh." Sagot niya at inayos ang buhok at ang pagkaka sukbit ng kaniyang designer bag.

Pumasok na kami doon at um-order. Umupo kami sa medyo tagong parte ng Starbucks.

Doon sana ako pu-pwesto sa lagi naming pinu-pwestuhan kaso nga lang ay hinala niya ako dito kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo na lamang.

"May tinataguan ka ba?" Takang tanong ko sa kaniya dahil panay ang tingin niya sa paligid.

"Huh? Wala ah!" Hanggang ngayon ay lumilingon-lingon pa din siya sa kung saan-saang parte ng Starbucks.

Loving the BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon