1

8 0 0
                                    

I had my crush nung elementary na ahead ako sa kanya ng 1 year, that last for 2 years, si Joaquin, nickname, Wacky.

Kaklase kasi nila yung anak ng ninang ko then yung kuya nya ay kaklase naman nung family friend namin, nang family ko and family nina ninang, si ate Zeth, na ahead sakin ng 2 years or 1 year lang.

Hindi ako mahilig mag intindi ng mga ganung bagay e. Haha

Nung grade 4 ako, tapos grade 3 sya, inaasar asar nila akong magbabarkada.

Nakakatuwa na nakakairita.

Madalas, pinapabayaan ko nalang.

Pero nung napuno na talaga ako, nakagawa ako ng nakakahiyang bagay na sobrang inihihingi ko ng tawad dun sa taong yun.




Sa hallway kasi, may mauupuan, kakatapos lang halos akong asarin ng magkakaibigang Joaquin at Joshua, Kenneth, at iba pa nilang barkada.

Nakaupo ako doon at binasa ang horror story na dala dala ko nang may madama akong presensya ng kung sino sa likod ko.

Naisip ko, sina Wacky, baka gugulatin ako.

Nagkunwari akong walang alam pero maya maya binigla ko nang hampas ng hawak kong maliit at manipis na story book yung nasa likod ko.

Laking gulat ko nang mapagtanto ko na isang babaeng lower year sakin ang nasa likod ko na inakala kong kaaway ko.

"Sorry." sabi ko. "Nasa likod ka kasi." paninisi ko pa. Maski ako, nabigla sa sinabi ko kasi kasalanan ko din pero sana maintindihan nya na nagulat ako.

"Sorry." muli kong paghingi sa kanya ng tawad at saka umalis.

*****************
Grade 5

By this time, medyo nawala na yung pagkainis ko sa magbabarkadang Joaquin, Joshua, Kenneth at yung dalawa pa nilang kaibigan.

Nakikita ko silang masayang nagaasaran kaya namuo sa isip ko na, "ang saya siguro nilang maging kaibigan."

Simula nun, nagustuhan ko na si Joaquin, nalaman ko ding magaling sya sa Science.

Pero base sa naobserbahan ko, nagsasayaw sya, nakanta, tumutugtog ng gitara, aktibo sa klase, matalino.

Hindi naman pala sila ganoon kasama.

Natipuhan ko din si Joshua na kaibigan nya pero mas gusto ko talaga ay si Wacky, lalo pa't mabango, bukod sa mga nabanggit ko kanina.

Madali din syang makakuha ng atensyon kasi may itsura at maputi.

Ang ganda nyang ngumiti.

Tipong, makita mo syang nakangiti, mapapangiti ka din.

Dun, inamin ko sa sarili ko na gusto ko sya. Crush, ika nga.

*************
Grade 6

May bago akong natitipuhan, sa kaklase ko, si Chris Jay.

Normally kasi, sa mga kaklase ko lang ako nagkakagusto, nagkakaroon ng crush o natitipuhan, lalo pa nakakasama ko sila, kaya nakikilala ko na din sila.

Si Wacky lang talaga ang exemption.

Kung saan, hanggang ngayon, sya padin ang crush ko.

(fast forward)

*2 weeks before ng graduation, paunti unti na kaming nagpapractice.

Maglakad papuntang upuan at stage.

Umakyat sa stage.

Kumuha ng diploma, makipagkamay sa mga panauhin.

Bumaba sa stage at pumunta sa upuan.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon