6

0 0 0
                                    

September 2015 - Grade 10 school year.

Ilang araw nalang ay katapusan na ng buwan ng Setyembre, bigla akong tinawag ni Ysa at Raj(Arizone) sa room namin, tapos na ang lunch time at wala pang teacher.

Alam ko na kung about saan yun.

About kay Eka.

By this time, nalaman na nila na siguro na umamin sa akin si Drew at yung balak nitong gawin.

Isinumbat sa akin ni Ysa at Raj yung hindi ko pagsabay sa kanila sa lunch at uwian.

Lalo na yung pagpapalabas na inagaw ko si Drew kay Eka. Kahit pa alam ko na may nararamdaman yung dalawa sa isa't isa.

"Hindi ko naman inagaw a." Depensa ko.

"Bakit magkasama kayo? Bakit nagkakausap kayo? Ang sweet nyo. Bakit ganun umasta si Drew sayo pero kay Eka, hindi?" Sunod sunod na tanong ni Ysa sa akin.

"Alam mong masasaktan si Eka, inentertain mo pa. Anong cupid yun?" Panunumbat nya.

"Humindi ako sa kanya." Sagot ko.

"Pero inentertain mo pa din. Ganun pa din yon." Sagot nila.

Gustuhin ko man dipensahan ang sarili ko, hindi ko magawa.

Masyado akong nasasaktan sa mga sinasabi nya.

May mga pagkakataon na nagkakasabay silang umimik. Although naiintindihan ko pareho kahit sabay, hindi ko naman marinig ng malinaw dahil para akong nabibingi.

Puro negatives nalang ang naririnig ko. Hindi lang mula sa kanila, pati nadin sa sarili ko.

Nafufrustrate na ako.

Is this what I get sa walang sawa kong pag iisip at pangunguna sa kapakanan ng iba?

Deserving ba ako para itrato akong ganto? Like, mang-aagaw?

O sige, mali ako ng approach na ginamit to reject someone pero anong magagawa ko? Iniiwasan kong makasakit pero kung sa rejection, may masasaktan ako, imiminimize ko yung sakit na maidudulot ko sa ibang tao.

Dire diretso ang pagsasalita nila, ako, nakatingin lang. Nagsasalita ako sa isip ko ng mga gusto kong sabihin sa kanila.

"May trauma ako noon na kinakaharap ko padin ngayon."

Isang linya na humihingi ako ng tulong sa kanila.

Na ako muna pakinggan nila, intindihin, unawain.

Na magalit na sila pero awat muna.

Mabigat na sa dibdib ang may dinadalang sama ng loob, ayokong lalong bumigat pa itong dala dala ko ngayon.

Ayokong magbreak down sa harap nila. Ayokong umiyak. Senyales nun na natalo nila ako.

Takte, bakit ba kasi napakabulok ko sa salitaan pagdating sa pagdipensa sa sarili? Ang hirap.

Nagpasok na ako sa loob ng room namin at tumabi sa mga kaibigan ko. Unfortunately, may mga ginagawa sila.

I need a hug, very badly. I need comfort.

Knowing the fact na yung kaclose ko ng 1st quarter ng grade 10, si Roni, ay lumalayo na sa akin, sumabay naman sina Ysa sa bigat na pinapasan ko.

Plus, I treasure friendships so important. Pinapahalagahan ko talaga yun.

I can offer my own life and sacrifice for the sake of my friends.

Pero yung paglalaanan ko pala maski ng buhay ko, hindi willing na sagipin ako sa pagkalunod ko sa mga problemang ito.

This is my first ever heartbreak sa friendships.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon