March 2, 2019
Sa himbing ng tulog ko, di ko akalain na maaalimpungatan ako.
As of five in the morning, naalimpungatan ako.
Napaisip, napaluha.
Bigla bigla.
Umiiyak ako.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ayoko ng ganito.
Madaming tanong at bagay ang gumugulo sa isip ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Maaring nanghihinayang ako sa mga nangyari, pero bakit parang napaka-lala at sobra sobra yung bigat sa aking dibdib?
Worthy ba ako para maramdaman ko ito? Para ganito kasakit at kabigat ang maramdaman ko?
Habang natulo ang luha ko, binuksan ko ang Wattpad Application sa cellphone ko at isang story na nasa library ko para may maidadahilan ako kung bakit ako umiiyak.
Lalo pa't may katabi ako. Katabi ko yung isa kong pinsan, kaya heto ako ngayon, tahimik lang na umiiyak kahit gustong gusto ko nang humagulhol.
Nagpipigil na makagawa ng tunog.
Nababalik tanaw ako.
Naaalala ko bigla yung mga nangyari noon.
Kung paano nya ihilig yung ulo nya sa balikat ko.
Kung paano ko pigilan ang sarili ko na hawakan ang buhok nya at baba. Dahil na din sa hilig kong hawakan yung buhok at baba ng mga napapalapit sakin, lalo na sa mga kapatid ko.
Kung paano ko pigilan ang sarili ko na humilig din ang ulo sa balikat nya, kahit sobrang ngalay na ngalay na ang ulo ko.
Kung paano kami nagkukulitan noong last subject namin sa isang subject na Mathematics in the Modern World, dahil nanonood kami ng movie na pumapatungkol sa lesson namin, entitled "The Imitation Game".
Naaalala ko kung paanong hilingin namin na sana lagi nalang kaming ganoon. Ganun kakulit, ganun kasaya.
Sayang makikita sa mga mata. Puro at totoo.
Naaalala ko kung paano unti unting nagbago ang lahat.
Pamula sa paghihiwalay namin ng landas nang gabing iyon. Nagtuloy tuloy na ang mga pagsubok na nagpagulo lalo sa amin.
Pagsubok na di man namin naipaglaban, napanindigan at syang ikinasira ng lahat, still, nagpahalaga at patuloy akong nagpapahalaga at magpapahalaga.
Hindi ko na alam ang mga naiisip at dapat ko pang isipin. Naghalo halo na lahat sa utak ko.
Basta nagconclude nalang ako na mahal ko sya.
Kasi pede. Baka.
Baka kaya ganito ako, kasi nga nagmamahal na ako.
Baka mahal ko na nga sya.
Mahal ko sya.
I chat She and Jovel, and I told them everything na nasa isip ko.
"Mahal ko na nga yata talaga si Tyrone."
And as of the moment, I am willing to chat Tyrone at sabihin lahat ng naiisip ko. But then, pinigilan ko ang sarili ko, ayokong magpadalos dalos.
Mali.
Hindi dapat ako magpadalos dalos ng desisyon. Otherwise, pareho kaming mahihirapan mag adjust sa sitwasyon at sa mga susunod pang desisyon.
BINABASA MO ANG
Her Side
Non-FictionWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...