February 19, 2016
Make up? Check!
7 am palang ginising na ako nina mama at pumunta na kami sa suki naming beauty parlor.
Dun ako minake up-an. Dun na din ako nagbihis.
Dahil may event mostly ngayon, marami ang nagpapaayos sa kanila.
Nakataas ang buhok ko sa likod pero may tirang nakalawit sa magkabilang gilid na konting buhok at kinulot.
1pm call time namin sa Queen Margarette.
Naka peach dress ako na abot hanggang tuhod and heels. Formal attire daw or Semi-Formal e.
Pero most of the students, balloon gown ang suot and of course, naka tuxedo ang boys.
Pagkadating na pagkadating ko palang sa venue, hinanap ko na mga kaklase ko, mahirap nang mawala at makihalubilo sa hindi kakilala kung pwede namang sama sama.
Nagpicture ng konti, and kwentuhan habang naghihintay kami na medyo humupa na ang linya at umayos ayos.
Nagsign up kami and binigyan kami ng Food Stub and Candle na gagamitin namin mamaya and pumasok na. May assigned na pwesto na per section and napagpasyahan naming Jayniexm na sa may tabi kami pumwesto pero yung kita padin yung unahan at gitna.
Nasa may area lang din namin yung iba naming kaklase.
Naghintay lang kami na matapos ang entrance part ng lahat-- the other students, faculty and other important persons.
Saka nagstart.
The masters of ceremony? Sina Hazel and Bruzzel.
Pareho silang naging kaklase ko pero hindi ko totally kaclose.
Si Bruzzel, nakaclose ko sya nung grade 8 yata kami, for some reason.
Both silang mabait, easy to approach and matalino.
Then nagsimula na ang program...
Most of the time, lutang lang kami lahat. Nakikinig pag minsan. Papalakpak pag sinabing pumalakpak. That just it.
On the center of each tables, may makakain naman kami, Ding Dong. Yung kutkutin na may mani, may peas at kung anu ano pa. Hahaha tapos may mani din, yung may balat.
And may tubig.
Opening Prayer...
National Anthem...
Opening Remarks...
Welcome Remarks...Then, part two of the program, may Candle Lightning kung saan magfoform ang lahat ng students ng maliit na bilog sa gitna tas palaki ng palaki habang kumakanta.
Then next part, Cotillion na. Ito yung pinapractice ng nga grade 9 students sa school. Ayos din. Ang gagaling nila.
Yung ibang nasa unahan namin, natayo pa, edi natayo din kami para makapanood. Pero nung magsawa na kami kakatayo, hinayaan na namin wag mapanood hahaha, mangalay.
Next part of the program, Search for titles like...
Mr. & Ms. Junior 2016,
Lady & Gentleman of the Night 2016,
Dream Girl & Dream Boy of the Night 2016, and
Dance Diva & Divo of the Night 2016.May mga rumampa. Ang gaganda naman e. Super.
Nakakapanliit but since wala akong pakielam sa mga ganda ganda, nanood lang ako at humanga.
Ever since kasi, hindi ako marunong mag ayos. Kung anong itsura ko, yun na yon.
Wala manlang akong lipstick and all. Pulbo? Bihira. Kung kelan lang maalala.
BINABASA MO ANG
Her Side
Non-FictionWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...