February 4, 2016
Hindi naman ako nainform nung una palang na paborito ng mokong na ito na sirain ang Huwebes ko.
*************
After nang pagkakaayos namin dahil sa nangyari last January 22, naging okay naman ulit lahat.
But it didn't last long.
The week after that, maayos.
Pero this week, hindi.
Meaning to say, nagpakalma lang pala muna sya ng pagkakulo ng tubig tapos saka magpapainit ulit at gagawa ng kalokohan.
*************
Habang tinatahak namin ang landas pauwi, hawak ni Annie ang cp ni Drew.Sya ang pinakisuyuan kong humawak nun at mangalikot.
Bago pa dumating ang araw ng Huwebes, natimbrehan kong may communication pa din sila nung babae.
And thinking yung last na sinabi ni Drew na hindi na sya makikipagcommunicate dun, nakakainsulto naman yata sa side ko na pinagbigyan sya tapos ganto mangyayari? To think, sya mismo nagsabi nun at hindi ako.
Sinenyasan ko si Annie na mangalikot na, pinahihintulutan ko sya tutal sya din nman ang may alam nung unang issue e.
Kasama din namin ngayon si Chabs, nakabike sya, kaibigan ko din. Sya naman ang kau-kausap ni Drew pag minsan.
"May pictures oh, ang dami." -Annie
Pinapakita nya sakin pero sinusulyapan ko lang. Ayokong hawakan yung cp kasi baka kung anong maisip ko sa panginginig ko at sura, mabatikal ko yun, sayang naman, lalo pa't hindi naman sakin yun at hindi din ako ang bumili nun.
Ramdam kong kinakabahan na si Drew lalo pa't wala akong imik at seryosong seryoso ang mukha ko.
Kinukuha nya din minsan yung cp nya kay Annie pero di ko pinapabigay.
Pag napapansin kong mapilit si Drew na kunin yung cp nya kay Annie, saka ko sya tinitingnan. Yung tingin na nagbabanta, as if I'm saying, "subukan mo lang, lagot ka sakin."
Plus, kaibigan ko yun, baka mamaya, matalapid yun e.
Although, Annie is like a mahinhin girl, but has a balanced personality of strong and weak.
All of them, actually. Jayniexm.
**************
Dalawang liko nalang, daan na papuntang bahay namin.
'It's now or never'
Hiningi ko kay Annie yung cp ni Drew pero humarang sa gitna namin si Drew at pilit na pinipigilan si Annie na ibigay sakin yung cellphone.
Nang mapatingin sya sa akin, tiningnan ko syang muli nang may pagbabanta.
Nanginginig ako sa galit, sa panloloko o dun sa mismong tao, hindi ko alam. Basta nanginginig ako. Matindi ang panginginig ng kalamnan ko.
Humihinga nalang ako ng malalim para mapigilan ang sarili at makapag isip ng maayos ayos.
Nang mapabigay sa akin yung cp, kinalikot ko agad iyon.
Gallery....
Tama, may pictures nga dun si Carmela. Madami.
(insecurity speaking)
Ako? Kaunti.Yep, mas madami pa yung sa babaeng walang connect sa kanya kesa dun sa nililigawan nya.
Seryoso ba talaga sya?

BINABASA MO ANG
Her Side
Non-FictionWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...