12

1 0 0
                                    

Matapos ang ilang araw na umabot na din yata ng linggo, napabalik na ulit sa akin ang cellphone ko.

Dahil sagana ako sa load, nag gm ulit ako. At marami ang nagtanong kung ano nang nangyari at kung kumusta ako.

Sinagot ko nalang sila ng 'okay lang', at bahagyang ikinuwento ang nangyari.

Napagalaman ko din na kaya hindi nagtetext o nagchachat sa akin si Drew ay dahil baka makagulo pa sya lalo kung kokontakin nya ako.

Again, hinayaan ko nalang iyon.

***********
April 2016

Kahit pinagsabihan na ako nina mama at papa na itigil yung kung anong meron sa amin ni Drew, noong March 12, hindi pa din kami huminto sa pag tetext at pagkontak sa isa't isa.

Kamustahan, late night talks and all.

Lagi ko nalang tinuturn on yung Flight Mode ng cellphone ko.

Until one time.

April 9, 2016

Birthday ng anak ng pinsan ko sa side ni papa. Nagswiswimming kami.

Kinagabihan, magkatext kami ni Drew hanggang sa halos malowbat na yung cellphone ko.

Chinarge ko iyon at natulog na ako.

Kinabukasan, ginising ako dahil aalis na pala kami at uuwi na. Nakuha ko na din yung cellphone ko.

Tiningnan ko yung messages, may ilang messages mula sa mga kaibigan ko, lahat gm lang.

Dahil na din sa antok pa ako, kaya natulog nalang ulit ako sa sasakyan.

Pagdating namin sa bahay, doon na ako muling kinompronta nina mama at papa.

Doon ko din nalaman na nagtext sa akin si Drew saying his goodnight.

"Goodnight ms.k, wag ka nang magpuyat, bawal yon, mapapagalitan ka din. Goodnight baboy ko, sexy, hot."

Nabasa nila.

May message na nagpasok sa cellphone ko.

Yeah, hindi ko tinurn on ang flight mode kagabi nung icharge ko ito at matulog.

Pero kahit naman iturn on ko, malalaman din nila yun.

Walang sikretong hindi nabubunyag.

"Kayo na ba nyan?" Tanong sa akin nina papa at mama nang ilang ulit.

"Hindi po." Sagot ko din ng ilang ulit.

Nagsasabi naman ako ng totoo pero bakit hindi nila ako pinaniniwalaan?

Ano? Mas gusto pa nilang maniwala sa hindi totoo?

O sige. Para matapos na.

"Opo."

"Kelan pa?" Tanong nila nang nakakunot ang noo.

See? Yun nga ang gusto nilang marinig.

Kaasar.

"Feb.20 po, nung mag-JS." Sagot ko nang labag sa loob ko.

Kasi naman, gusto nilang paniwalaan kung anong hindi totoo.

Last time, nung March, nabanggit din ni mama yung holding hands namin sa picture ni Drew habang sumasayaw, nung JS Prom. Napansin na din nya yun.

Ngayon, ewan ko ba.

Bahala na. Bahala sila.

"Huling beses na naming sasabihin ito ha. Itigil mo yan." -papa.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon