11

2 0 0
                                    

Inistalk ko si Carmela sa facebook.

Una, hinanap ko muna sa friendlist ni Drew ang kahit na sinong may kinalaman o koneksyon sa kanya at kay Carmela.

May post si Carmela pati yung kaibigan nya, meron.

Dun ko naconfirm na nagpunta nga si Drew sa school nila. May stolen shots pa sila.

Naka blue neck tie si Drew at naka blue cocktail dress si Carmela. As if pinag usapan talaga nila iyon.

As if, partners talaga sila.

Wow, ang saya. Ang saya saya.

Ang effort naman. Hahaha

Buti pa yon, hindi na sya kelangan sabihan pa ng iba.

Then later on, hiniram ko yung cp ni Drew. Bale, nagovernight sa akin yung cellphone nya.

And guess what, may iba pa akong nakita.

Sa convo nila nung kapatid nya yata yun o pinsan, may picture sya ng likod nya, sinend sa kanya sa messenger.

May pinahenna syang name.

Hindi ko maintindihan yung sulat pero sure akong dalawang name yon.

'Gabriella Sheryl'

Yan ang pakibasa ko. The next day na naglalakad kami pauwi, pinakita ko sa kanya, at pinabasa.

"Gabriella ba yon?" Tanong ko.

Tumango naman sya bilang tugon.

"Gabriella Sheryl?" Panigurado ko.

"Oo, may 'la' sa dulo e. Pinilit lang ako jan ni Mar, yung kapatid ko."

"Okay." Sabi ko.

Wala namang kaso sakin yun. Pero alanganin talaga ako sa name na yun, parang may something.

***************

Despite of what happened, of my kasurahan last time...

Yes po, opo, nagkabati kami ulit.

And yep! Hello, March na!

It's clearance na.

What happened between us?

He said sorry and sorry and sorry.

Nag- go with the flow nalang ako. Bahala na.

So, on clearance days, kami halos ang magkasama.

"Drew, bakit ngayong clearance ang sipag mong pumasok?" Pabirong tanong ng adviser nya sa kanya.

Kasi pag may regular class, mostly late sya, minsan absent sya. Hindi na nakakaabot e. Tinatanghali na din ang gising nya. May trabaho sya sa gabi e.

He's either a waiter or a chef sa KTV Bar sa bayan na pinapasukan nya. That's why.

Pag wala kaming magawa, mostly sa hapon, nag uuli kami ng campus.

Although makikita mo naman halos lahat at walang pasikot-sikot dun, still, inuuli padin namin.

Kung hindi kami mag uuli, tatambay lang kami sa room.

Nung minsan, nagpunta kami sa building namin noong grade 9, at nanambay kami sa may hagdan.

Nasita pa nga kami ni ma'am Cecille, yung dati naming adviser, kasi nagaasaran kami sa may hagdan.

Tapos nitong nakaraang araw lang, nagtambay din kami ulit doon sa may terrace doon. Kasama namin sina ate CJ at kuya Andy, pati si Emman.

And last time, nagcomputer kaming tatlo nina ate CJ sa dati naming pinagcomputer-an.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon