January 22, 2016
By afternoon, vacant ang lahat dahil may meeting na isinasagawa ang mga teacher.
Kaya nakakalat sa hallway ang mga estudyante.
Naisipan ko naman na pumuntang Tamaraw para ibigay kay Drew yung gift ko.
It's passed 3pm na din and wala na akong masyadong gawa.
Nang makarating ako doon, binigay ko sa kanya yung gift ko. But then, he invited me na pumasok sa loob ng room, tumanggi ako. Sabi ko babalik ako.
Nagpaalam ako sa other members ng Jayniexm bago bumalik sa room ng Tamaraw.
Nung una, alanganin pa ako pero pumasok na din ako.
Mabuti nalang nandun si Raj kaya iwas pagka-ilang nadin.
Nabuksan na pala nya yung gift ko.
Umupo ako sa harap ni Raj, nang nakatalikod. Nagpatirintas ako sa kanya para malibang din kami pareho.
"Ganto ka pala mageffort noh?"
Hindi ako sumagot.
"Thank you." Sabi nya. Ngumiti lang ako.
Minutes passed, tumingin lang kami sa mga kaklase nilang nagkukulitan sa labas ng room.
Naisipan kong hanapan na ng sagot yung nararamdaman ko mula pa kahapon.
Kasi mula kahapon, hanggang ngayon, may kaba akong nararamdaman.
Kaya nagtanong na ako.
"Ba't absent ka kahapon? Kahapon pa sana yan, kasabay nung kay Raj." Sabi ko.
"Wala. May pinuntahan lang akong importante."
Tumango ako bilang pag sang ayon.
Hindi man tulad nung una ang kaba ko ngayong nasagot na nya yung tanong ko, still, may kaba pa din ako.
Bakit?
Maya maya pa ay nagdesisyon na akong bumalik sa room namin.
Malapit na din kasing mag uwian.
*************
Akala ko maisasawalang bahala ko nalang ang natitirang kaba sa dibdib pero mali ako.
*************
January 22, 2016 - dismissal
Kasama ko ngayon paglalakad pauwi sina Annie at Drew.
Dahil wala kaming masyadong mapag usapan, nagsimulang magkakwentuhan sina Annie at Drew. Habang ako, nakikinig lang sa usap nila.
"Bakit ka nga pala absent kahapon?" Tanong ni Annie.
"May pinuntahan kasi akong importante." Sagot naman ni Drew
Katulad ko kanina, tumango lang din si Annie bilang tugon sa sagot ni Drew.
Ngunit, mukhang hindi mapakali si Drew kaya nagkwento sya tungkol sa nangyari kahapon.
"Uy, may ikekwento ako." Panimula nya.
Bukod tanging si Annie lang ang nasagot sa kanya. Ako, nakikinig lang ako.
"Yung kaibigan ko kasi, nagpasama sa akin kahapon, may kaibigan pa sya na babae na nagpasama sa kanya.
Ay yung babae kasi, nireto sa kanya nung isa naming kabarkada. Tapos broken.
Magkaibigan na ba sila, tapos nagpapasama si babae dun sa kaibigan ko. Nag uli sila sa SM kahapon......"
"Kasama ka?" Paninigurado ni Annie.

BINABASA MO ANG
Her Side
NonfiksiWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...