20

2 0 0
                                    

December 28, 2018

Even up to now, hindi nya manlang ako maisipang ichat ng maayos.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko na hindi ko ikababa ng tingin sa sarili ko, knowing the fact na babae ako and yet, ako yung namomroblema sa ganitong bagay.

I remember na sobrang masaya kami at okay kami before December 18, pero by that night of that day, dun na nagkagulo, dun na ako nagstart mag isip ng mag isip ng kung anu ano.

Iniisip ko yung dahilan ng actions nya in my point of view, in his point of view and in other people's point of view.

As much as I badly want to know his reasons, mga reasonable things lang ang iniisip ko pero sumagi din sa isip ko ang isang bagay na alam kong posible pero hindi ko matanggap.

Naisip ko na baka kaya ganun sya kasi may kasalanan din ako na hindi ako aware.

Baka kaya nagkaganun kasi nagseselos talaga sya and mahal nya nga ako.

Baka kaya ganun kasi ang lame lame kong babae na nagustuhan nya.

Pede din naman na ganun sya dahil sa childish character nya, immaturity and all na kelangan ko ding intindihin tulad ng pag intindi nya sakin pero pinangungunahan ako ng feeling na mali yung ginawa nyang yun.

Most especially, baka kaya ganun sya at ganoon yung actions nya towards sakin ay dahil sa ayaw na talaga nya sakin at yun yung nakita nyang chance para umayaw na talaga.

And yet, umaasa pa din ako. Although my lips said na wala na akong pakielam at hinahayaan ko lang sya, my heart still cares for him.

That's why I hate it when I get attached to someone kasi sobra akong nagca-care. Tipong kahit pa magkaaway kami, may ginawa syang kasalanan sakin o kahit hindi na kami nagkakausap, may pakielam pa din ako sa taong yun, sa kahit na sino.

Noong December 24, may mga nagkalat na mga pictures and messages saying, "Thank you...", thank you for something and merry christmas. Sinendan nya ako nun, nagreact lang ako ng heart. Then by December 25, nagsend sya ng, "Merry Christmas 🙂" and nagtype na ako nang Merry Christmas din sa kanya pero naisip ko, wag nalang.

May something kasi akong nararamdaman na hindi ko kailangan o kinatatamaran kong batiin sya. And so, nagreact nalang ako ng heart ulit. Also, by that time, nagmy day ako saying, "Hindi ko na kayo babatiin isa isa ng 'Merry Christmas', isasama ko nalang kayo sa prayers ko." in which na-view din nya.

I may not praying that time but, deep inside, I am.

Hindi ko alam kung tama ba ang mga nangyayari o ako yung may problema?

Kasi sa una palang I have a doubt. I have a feeling na magfefail lang lahat-lahat pero itinuloy ko pa din, since gusto ko din naman. And here we are, back to strangers.

Ang dating magkaibigan na nagkaaminan at "naglandian", ngayon, hindi na nagpapansinan.

Ito na nga yata ang simula ng pinapangamba ngamba ko noon.

Ang sagot sa mga tanong ng doubts ko noon.

Hindi ito ang pagtatapos ngunit kasimulaan lamang ito nito.

*******

January 4, 2019

Dumaan na ang pasko, dumaan na ang bagong taon, wala pa din syang paramdam.

How can someone who said he loves me can do this to me? Kaya nya akong tiisin knowing the fact na magkagalit kami?

Wow. Just wow. Nice.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon