Grade 10 (S.Y. 2015-2016)
Nalalapit na ang examination namin, hell week ika nga.
So, nagiging busy na din ang lahat.
And as for me na isa sa tumutulong sa leader ng grupo namin sa ibang mga subjects, busy din ako.
Lalo pa at minsan ay ako yung nagiging leader talaga. Ako yung tanungan ng mga kaklase ko.
Well, most especially, sa Math subject.
Bukod kasi sa isa ako sa mga estudyante na mabilis makaalam o maka gets ng lesson sa Math kahit sa isang turuan lang or self-taught, isa din ako sa nakaka analyze ng mga iyon ng madali lang sa akin at nang hindi nalilito.
Kaya madalas hindi na din ako nakakakain ng tanghalian.
Hindi na din ako nakakasabay kumain at umuwi sa 4Shoulders.
With that, nagagalit sila.
Minsan, kapag nakakasabay ako sa kanila, pinag hihintay ko pa sila.
Kailangan pa kasi ako sa isa kong subject na by group.
Binibilisan ko nalang yung paliwanag ko sa kanila at inaako ang lahat ng matitirang gawain o ang mga di nila kayang gawin o tapusin. Iyon ay dahil may naghihintay sa akin.
Kapag minsan naman, napunta na ako sa room ng maalin sa kanila para sabihin na wag na nila akong hintayin at hindi ako sasabay sa kanila pagkain ng tanghalian. Pero napunta din ako sa room nila kapag sasabay ako sa kanila pagkain.
But then, sooner or later, tinamad na din siguro sila kakahintay sakin.
Thinking of their adjustments.
Pero sa side ko, iniintindi ko sila--my adjustments and theirs.
Kaya ang ending, masama na ang tingin nila sa akin. Minsan, hindi na nila ako pinapansin.
Ako na yung naghahabol sa oras nila.
Pero minsan, binabalewala ko nalang din at inuunawa.
Dahil sa dami ng iniisip ko, hinahanapan ng sagot na mga tanong, ginagawan ng paraan para masolusyunan...
Dumating sa punto na nagkasabay sabay na sila sa utak ko. Pero maayos ayos pa naman ang pag iisip ko para malutas lahat iyon.
Nagkasabay sabay na din lahat sila.
Sumabay pa si Drew.
*********
October 2015Maayos pa ang lahat, masaya at puno ng kwela.
Makwela akong kaibigan at dahil namimiss ko na ang 4Shoulders, everytime na may vacant kami, napunta punta ako sa room nila.
Ganoon din naman ang gawa ng karamihan.
I continued being Eka and Drew's cupid and I'll be willing to be my friend's cupid.
Umabot sa part na kahit nasa probinsya ako, magkatext kami ni Drew.
Ako yung tipo ng tao na hindi kailanman mauubusan ng load ang cellphone at mahilig magpuyat.
Dahil wala akong kaclose sa mga tao o kabataan sa lugar namin, bukod sa pamilya ko, lagi lang akong nakatutok sa cellphone ko.
Tipong kahit nakapikit ako, kaya kong magtype ng text message para magreply sa katext ko, kahit pa de-keypad yan o touch screen (kung QWERTY ang style ng keys)
"Ms. Kapuyatan"
Yan ang tawag nya sakin one time.
Kami ang madalas na magkapuyatan dahil, ako, mahilig magpuyat at sya, may trabaho sa gabi. Isa syang waiter sa isang KTV Bar sa bayan.
BINABASA MO ANG
Her Side
Non-FictionWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...