November 14, 2018
Dahil sa halo-halong emosyon; kilig, saya, concern. At sa iba't ibang topics; tungkol sa amin, sa feelings namin, sa academics. Halos mapuno ang memory card ko nang mga screenshots.
Yes, iniscreenshot ko halos lahat ng gusto kong iscreenshot. At ngayon, naka 85 screenshots ako, bukod pa yun sa mga nauna pa at nadelete ko na at sa mga iiscreenshot ko palang. Hahahahaha
Gusto kong magkaroon ng memory about dun sa specific topic na yun, like nagselos sya, umamin kami sa isa't isa at kung anu ano pa.
Para hindi na magbabackread ka, titingnan nalang yung mga screenshots.
Once naman na nabasa mo yung mga yun, kahit pa hindi magkasunod sunod, maaalala mo kung saan patungkol iyon, kung anong naging flow ng conversation at iba pa.
**********
And the rest is history.
**********
Patuloy lang akong nakatanaw kay Tyrone.
Sa malayo.
Habang palaisipan padin sakin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.
Mahal o miss?
Maaaring mahal ko na sya pero pwede ding namimiss ko lang sya.
Kapag may chance ako na matingnan sya, inaakap ko na agad iyon ng pasimple.
Kahit panandalian lang.
Masaya na din akong nakatanaw nalang sa kanya ngayon.
I didn't know this will be his effect on me but I won't bother, ginusto at ginugusto ko din naman 'to e.
Masaya akong masaya sya.
May mga time na mangistalk ako. Pupunta ako sa profile nya.
Dun, nakikita ko yung posts nya. Isa sa mga shared posts nya yung mga song cover ni Alex Ballori.
Dati ko nang naishare din yung ilan sa mga cover songs nya kasi bukod sa maganda sya, maganda din yung boses nya.
Ang ganda nya magdala ng personality nya. Confident talaga. At dahil asset nya yung ngiti nya at yung mata nya, which is alam nya sa sarili nya yun, kaya mas nag shine sya.
Ngayon, nakita ko yung isang cover song ni Alex na shinare ni Tyrone noong December 28 entitled, "Close To You by The Carpenters", favorite song ni Tyrone, sa pagkakaalam ko.
***************
January 24, 2019
Sa convo namin ni Roni, inaasar asar ko sya. Binibiro ng kung anu ano.
"Roni, pafall ka ano?" Bigla kong tanong.
"Awan." Sagot nya. "Bakit?"
"Pafall ka yata e." Pamimilit ko pa.
Naffall na naman ako sayo e.
"Hindi ko alam. Bakit? Ano ba sa tingin mo?"
"Pafall ka. Hahahah" pang aasar ko sa kanya. "Bakit di mo aminin na pafall ka?"
"Edi pafall ako. Hahaha joke"
"Hahaha bakit may joke?"
"Kesa humindi ako, edi naging pafall talaga ako. Hahaha."
At some point, medyo magulo yung usap namin pero deep inside, naiintindihan ko. Hahhaaha
Is this Elyen talks? Haha.
BINABASA MO ANG
Her Side
Non-FictionWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...