August 1, 2018
Start ng klase namin ng 1st semester sa pagiging 1st year namin.
We are the 1st batch of Senior High School. Dati, noong may orientation, ang sabi sa amin ay after Grade 12, we will already be in our 3rd year college. Pero heto kami, 1st year college.
As for me, pinagpapatuloy ko ang pag aaral ko dahil feeling ko may kulang pa sa akin. Marami pa akong dapat malaman at pag aralan.
I'm studious, mahilig mag aral ika nga. Pwede naman akong tumigil muna at saka nalang ulit mag aral. I mean, pwede akong magpahinga pansamantala. But then, I chose not to. Gusto ko sanang tapusin ang pag aaral ko ng dire diretso.
So,yeah, back to reality. Since first day palang naman, nagpakilala lang kami ng ilang ulit, for a week! In different subjects.
Para sa akin naman, strong yung personality ko. Ginawa kong ganun kasi ako din naman yung nahihirapang ayusin yung sarili ko. So, kung makikita nyo ako, masasabi nyong snobber ako pero mabait na matino na ewan.
It is because, mamamansin lang ako pag pinansin ako.
Pero masiyahin ako na magulo na makulit at pasaway.
Basta. On top of it all, I consider myself as an ELYEN.
Refers to being unique. Different, at some points but same at the other points.
**************
After a week or so, may nakakausap na din naman ako sa classroom namin na bagong kakilala. With the help of group activities, unti unti ko silang nakikilala. Pero hindi ako magaling magmemorize ng names ng kahit sino unless ilang beses ko silang makasalamuha.
One time in Physical Education 1 subject, medyo nalate kami nung mga kaibigan ko. And so, nagkahiwa hiwalay kami ng upo.
After the quiz, nagkausap kami nung isa kong kaibigan, I call her She (literally pronounced as She, not Shi), my short term for her name, Sherilyn.
She said na may nakatabi daw sya during the quiz na kaklase naming lalaki na pansin nyang nahihirapang makasagot. His name is Tyrone. So, tinulungan nya, pinagaya nya pero hindi talaga gumaya yung lalaki sa sagot nya. So, ang ending, bagsak yung lalaki. Tinuro din nya sakin kung sino yun kaso hindi ko naman makita at hindi ko alam kung saan ako titingin.
Same day, we had this group in Physical Education 1. Ako yung ginawa nilang leader. Umaangal pa nga ako at nambobola sa mga kagrupo ko na mas deserving sila para lang di ako ang maging leader pero hindi umipekto.
Habang sinusulat ko yung mga names namin, iniisa isa ko sila since bulok nga ako sa pagkilala agad agad. Mas gusto ko yung nakakadaldalan ko, nakakasalamuha ko ng ilang beses para makilala ko talaga, ganun.
Someone from my group approached me.
"Tyrone" saying his name repeatedly as I write in our 1/4 sheet of paper to be submitted to our teacher.
After that, binigyan na kami ni Ma'am ng instruction para sa practical activity by group then practice.
Then this guy named Tyrone approached me.
"Uy, ikaw na naman pala kagroup ko."
Nagtaka ako kaya tumingin ako sa kanya ng may pagtatanong sa mata habang pilit kong inaalala yung mukha nya kung saang subject ko sya kagroup.
"Magkagroup tayo sa ano-- sa English-- ano..."
"ahh-- oo, group 2. English Enhancement." tumango sya bilang pagsang ayon.
Tapos saka nagflashback sakin yung sinabi ni She na may pinagaya daw sya na ayaw namang gumaya sa kanya. Tyrone ang name and I'm guessing that that guy and this guy are one. So, baka nga. Since hindi ko pa alam dahil baka may other tyrone din sa klase namin.
By Saturday, gumawa ako ng group chat or gc ng groups namin sa mga subjects na may groupings kami.
Then, by the week after, on our History class, during the class, grinupo kami ni Sir. Nasa isip ko naman, panibagong gc na naman.
But then, on the spot pala na activity yun. Natuwa naman ako sa groupings kasi nga kaibigan ko din kagroup ko, except may dalawang lalaki kaming kagroup, sina Josh and Tyrone.
Our teacher instructed us na magbrainstorm para magawa yung pinapagawa nya at pumili ng kung sino ang representative per group para isummarize at ipresent yung output by group.
Since ako yung napili ng group ko, ako yung nakikinig lang sa kanila kahit magsabay sabay sila sa pag imik, I know I can manage.
Pero naiilang ako kasi there's a time na may idea si Josh, so nakikinig ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa mata nya habang nagsasalita sya. Focus ako para mas maintindihan ko yung sinasabi nya at maipresent ko yun ng maayos. Kaso, napatingin ako ng mabilisan sa may likudan ni Josh, kung saan nakaupo si Tyrone. Although nakatingin ako kay Josh, nawawala naman ang focus ko kasi titig na titig sa akin si Tyrone.
He is not even blinking his eyes!
He is just staring at me.
So, nung matapos na yung ipinaliwanag ni Josh, umiwas na ako ng tingin. Then pansin ko, with the use of my Peripheral Vision, kita kong nakatitig padin sya sa akin.
Later on, after I gathered enough strength to finally make a move sa patuloy nyang pagtitig sakin, tumingin ako sa kanya at nagtanong kung may idea pa ba sya or any suggestion. Umiling sya saying there's none at umiwas na ng tingin.
Pinilit kong ialis sa utak ko yun kasi it's getting in the way. Kailangan kong magfocus sa presentation namin dahil sinuggest kong words, phrase or drawings nalang ang ilagay sa output paper namin kasi dun ko mas naiintindihan.
Thank God, nung time na namin magpresent, naging maayos naman yung pagpepresent ko. Actually, lahat naman kami. And nawala na din sa isip ko yung napansin ko kanina.
A couple of days passed, someone's on my friend request and request message. Both from the same person. Since kaklase ko naman sya, I accepted him. Yup, it's from Tyrone.
Since then, nagkakachat na kami. Nagkakausap na din ng kauntian personally and nakikilala na din sya nina She at nung iba ko pang kaibigan na kaklase namin tutal nasa side of the classroom namin sya nakaupo. Specifically, nasa likod na upuan ko lang sya nakapwesto ng upo.
**************
Madali lang din naman mapakisamahan si Tyrone kasi maloko sya pero matino.
Kaya gumaan din agad loob ko sa kanya e.
*******
Published: 10.27.19
Revised: 06.20.19
BINABASA MO ANG
Her Side
Kurgu OlmayanWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...