I'm in trouble, literally.
"Tanda ko noon, nung nanliligaw pa sakin yung asawa ko, hindi ako pumapayag an ganyan kami kaclose. Na magkatabi sa upuan. Basta, kung magkikita kami, nandito ako, tapos dapat nandun sya sa kabilang building."
Nagkekwento yung adviser ko ng buhay lovelife nya sa asawa nya. Nagbabalik tanaw, kumbaga.
"Kung ako naman po ang tatanungin, ayokong magpaligaw e, lalo na't bawal pa ako ligawan manlang." Sabi ko sa isip ko.
Nakikitawa nalang ako sa kanila.
Pinagsasawalang bahala ang nangyari kanina pero hindi e, kami yung sentro ng bawat istorya nila. Laging sa amin ang punta ng bawat topic.
Maya maya pa'y naisipan nina ma'am na asarin si Drew.
"Noon hanggang ngayon, binibigyan ako ng asawa ko ng bulaklak." Pagbabalik tanaw ng adviser ko, tapos sunod na sabing, "Oh, Drew, bakit di mo sya bigyan ng bulaklak?"
"Hala, ma'am." Suway ko sa pang aasar nila.
Nang masulyapan ko si Drew, nag iisip sya at nagtatanong ang mata sa teacher namin kung saan sya kukuha ng bulaklak.
Siguro iniisip nya, bibili pa sya, kung saan pa makakakuha nun.
Pero naunahan na sya ng teacher namin nang sabihin nito na...
"Kahit pumitas ka lang dyan sa daan. Bulaklak padin naman yun a."
Sabay tulak kay Drew nina ate CJ para pumitas ng bulaklak na makikita lang sa kung saan saang parte ng school namin.
"Hala, ma'am, wag na." Suway ko pa ngunit huli na nang umagal ako kasi nag alis na si Drew para sumunod sa sinabi sa kanya ng adviser ko.
Sa isip isip ko, pagkatapos nito, saka ko nalang ulit sya kakausapin na tumigil. Hays. Problema to e.
Matapos kumuha at ibigay sa akin ni Drew ang bulaklak na napitas nya, natapos din ang pang aasar ng mga adviser namin sa amin.
At nandito kami ngayon sa may Pergola, karaniwang tambayan ng mga estudyante. Isang puno na pinapalibutan ng sementado at may tiles na lamesa at sa may bandang baba, may upuan din na sementado at pinturang puti.
Kalinya lang din ito ng building namin at malapit sa may gate.
"Drew, bili ka naman ng meryenda. Nakakagutom na e. Panigurado, nagugutom na din yan, di lang nagsasabi." Sabi ni ate CJ kay Drew sabay turo sa akin.
Ako pa nga ang naidahilan.
"Hindi. Ako'y busog. Wag na." Sabi ko habang papalayo si Drew, palabas ng school para bumili.
"Napakamasunurin nun a." Pang aasar ni ate CJ.
"Lakas tama ka. Wag na ngang ganun. Ako ang nahihiya ay."
"Hayaan mo, tanggapin mo nalang." Sagot nya.
Umiling nalang ako sa sinabi nya.
Bigla kong naalala yung nangyari kanina.
Lumuhod sya, bumati.
Pagkatapos niyon, nagkaasaran kami.
Nahati na din namin yung cake. Binigyan ko sila. Pero bago iyon, may pahidan ng icing na naganap.
To think Yema Cake yon, so, madulas iyon sa mukha, malangis.
Kaya nahirapan ako paghihilamos.
Ako pa mandin ang naging target nila halos lalo pa't ako yung birthday celebrant.
It's my 16th birthday, 1999 ako pinanganak.
Naputol ang pagmumuni muni ko nang dumating si Drew na may dalang tatlong softdrinks na nasa bote, at tinapay at chichiriya.

BINABASA MO ANG
Her Side
No FicciónWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...