October 2015
Malapit na ang birthday ko.
Malapit na din ang undas.
Katapusan ng buwang ito ang birthday ko pero dahil sa undas, wala kaming pasok.
November 3 na ang balik namin ng pagpasok sa school.
Hindi pwedeng umabsent dahil may attendance at may mga requirements na ipapagawa ang teacher, pero yun ang sabi nila.
And bali balita,
"May surprise daw si Drew sayo sa birthday mo." sabi ng isa sa mga kaklse ni Drew at ng ilan sa mga kaibigan ko.
Kinagabihan, nagkatext kami ni Drew, tinatanong nya kung nasaan ako sa birthday ko.
Sabi ko ay hindi ko alam, baka nasa bahay o nasa probinsya.
Nagpaalam sya kung pwedeng pumunta sya sa bahay namin, humindi ako at wala na syang nagawa doon.
**********
November 3, 2015Mapapansing halos lahat ng estudyante ay nagsipasukan ng eskwelahan, katulad ng nasabi noon.
Ngunit, wala masyadong guro ang pumasok.
Ang ilan sa mga guro namin ay nagbigay lang ng gagawin sa oras ng klase nya. Ngunit karamihan sa kanila ay absent, walang kahit na anong activity ang iniwan.
Meaning to say, sayang ang ipinasok ko.
"May surprise daw para sayo si Drew."
Biglang dumaan sa ala-ala ko.
Dumaan na ang birthday ko, tapos na din ang undas. Wala akong natanggap na kahit ano mula sa kanya, ayos lang sa akin iyon. Hindi ako nageexpect na may matanggap.
Ngunit...
Lunch break, tinatamad pa akong umuwi kaya sinamahan ko si ate CJ magstay sa school at mag computer sa malapit na computer shop sa school namin upang malibang habang nagpapalipas ng oras.
Sa computer shop, magkatabi lang din kami ni ate Cj ng computer na ginagamit.
"May load ka?" tanong nya sakin.
"Always, bakit?" tugon ko habang nakatitig lang sa computer.
"Patext ako." paalam nya at tumango ako bilang sagot sa kanya.
Agad nyang kinuha ang cellphone ko sa tapat ko at nagtype doon at inilapag iyon sa harap nya, katabi ng cellphone nya.
Dahil samu't sari ang ginagawa ko sa computer na gamit ko-- youtube, games, facebook, naririnig rinig ko lang ay ang ringtone ng cellphone nya.
One time, sya naman ang naging busy at kinuha ko pansamantala ang cellphone ko sa harap nya at kinalikot iyon.
Nakakapagtaka.
Kinuha kong sunod ay ang cellphone nya at kinalikot din iyon.
Nakakapagtaka.
Walang nagbago sa sent messages ko at ganoon din ang sa inbox nya.
Sino ba ang katxt nya at anong pinag uusapan nila? Bakit deleted ang mga ebidensya?
"Sinong katext mo?" hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong sa kanya.
"Kaibigan ko lang." sagot nya. Naghahalo ang pangungumbinsi at pagtatago sa kanyang tono ng pananalita.
Pero binalewala ko na lamang iyon.
BINABASA MO ANG
Her Side
Non-FictionWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...