17

2 0 0
                                    

November 9, 2018

Tonight, we had our conversation just like the other nights.

Then, may naisip na naman akong kalokohan.

Our topic is about our feelings towards each other.

Sabi nya, gusto nya ako. Mahal nya ako. Miss na daw nya ako. Everything.

So, later on, tinanong ko sya kung naalala nya yung nangyari noong August 24, 2018.

Sa kasamaang palad, nakalimutan daw nya. Hindi nya alam.

Since, tingin kong nakalimutan nya na yun, hindi ko na lang pinaalala sa kanya dahil isang kahihiyan iyon pero masasabi kong dun nagsimula ang lahat.

"Gusto kita. Mahal kita." he said.

Hindi ko muna sya sinagot sa sinabi nyang iyon. Patuloy ko lang sinasabi sa kanya na pinagtitripan nya lang ako, na mawawala din yun pero ayaw nyang magpatalo e.

"Gusto din kita." sabi ko.

That same night is also the night in which Inno and Eva, of Ngayon at Kailanman ABS-CBN Teleserye, confessed their feelings towards each other.

"Handa akong patunayan ang pagmamahal ko sayo." at "Maghihintay ako."

Yan ang mga salitang binanggit ni Inno para kay Eva na sinabi din ni Tyrone sa akin through chat.

Kinikilig ako pero gusto kong isslow down ang lahat kasi parang ang bilis at gusto kong makasigurado.

Sya na ba talaga, Lord? Sure na ba? Sure na din ba sya sakin?

Gusto kong malaman ang lahat ng iyon, kasi ayokong magset ako bigla bigla tapos hindi din namin mapapanindigan sa huli.

Ang tendency, away-stress-hiwalay.

Hindi ako pumayag na maging kami na at pinangunahan ko sya agad.

He agreed sa mga sinabi ko at sinabing manliligaw sya sa akin dito sa bahay namin, mismo.

That's how I wanted to be courted. Yung legal, yung alam ng parents ko.

With that night, naging makulit kami sa isa't isa. At dahil dun, nakalimutan na din yata namin at niya ang dapat nyang gawin para mas ma-guarantee ang kung anong meron kami.

**********

November 14, 2018

Ang sama sama ng pakiramdam ko. Alam kong magkakasakit ako pero dahil sa mapag tiisin ako, hindi pa ako muna uminom ng gamot bago pumasok. Also, naligo din ako. Since, hindi ako pumapasok ng hindi ako ligo-- kahit pa may sakit ako.

At dahil sa nilalamig ako, nagjacket ako pero yung hindi masyadong makapal ang tela para hindi gaanong halata. Mawawala din naman siguro to.

Unfortunately, lalong sumama ang pakiramdam ko habang tumatagal. Nawalan na ako ng gana kumain, not thinking na hindi din ako kumain ng breakfast.

Nang matapos ang second subject namin, tinanong ako ni Tyrone kung may sakit daw ba ako.

"Hindi ko alam, wala?" nag aalangan kong sagot sa kanya. Kahit na ramdam kong nanghihina ako.

Hindi sana ako kakain pero dahil iniisip ko na kailangan ko ng lakas, nagpumilit akong kumain. Nagpabili nalang ako sa mga kaibigan ko ng Pork Chow Fan ng Chowking.

The moment na matapos kong kainin yun, pinilit kong maging malakas para hindi ako mapapunta sa clinic at para hindi ko mamiss yung mga lesson namin.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon