25

2 0 0
                                    

March 27, 2019

There's a lot of time na nakikita ko sya sa school, but he is happy with someone else.

Nakikipagkulitan sya sa iba, nakikipag asaran.

Habol-tingin ko sya, nakatingin lang ako sa kanya at wala nang iba.

Nakatanaw lang ako sa mga kilos nya, sa facial expressions nya.

One time, PE class namin, dismissal na nila, may kaklase sya na kinukulit nya, si Lyvo, babae-- maganda, artistic. Nameet ko sya sa Leadership Training Camp namin before.

No one notices how bad I wanted to be that girl na kinukulit nya.

Tahimik lang ako but I know, deep inside, unti unti akong nadudurog.

Wala akong lakas ng loob para hindi na tumingin.

Bukod tangi ko nalang na ginagawa ay ang bumuntong hinga ng ilang ulit habang nakatingin sa kanyang mata na masaya.

Masayang masaya.

I guess, I'm really the one keeping him from growing.

It breaks my heart seeing him happy without me, seeing him no signs of loneliness of living without me, it breaks my heart na hindi nya sakin ginagawa ang mga bagay na yun, still, I feel delight, somehow.

Kasi masaya sya.

That's all that matters the most.

To me, kung saan sya masaya, masaya na din ako para sa kanya.

Kahit pa ang kaligayahan nya ay ang pagkawala ko sa buhay nya.

Masakit tanggapin pero gagawin ko pa din, dun ko nakikita syang masaya e.

Paninindigan ko ang desisyon ko.

And all I will do nalang is to support him silently.

I'll pray for his success and genuine happiness from within.

I'll let God do the work for my wishes para kay Tyrone.

Hindi ko na iisa-isahin pa because I know, God knows my deepest wishes for him.

Dahil sa pagkalungkot, may nakachat akong kaklase namin noon at nag open up ako sa kanya about what happened.

She told me na hindi na daw katulad noon si Tyrone kasi sobrang maloko na sya ngayon.

To the point na kahit sino pinagtitripan nya at tinatawag na 'baby'.

Nalaman ko din kung bakit hindi na talaga nagmemessage sakin si Tyrone, once again.

After kasi nung BSBA Day, nagkachat ulit kami, pero nagtigil ulit.

It's because he gave up.

He wanted to get over me, to move on kaya hindi na nya ako chinachat and all.

And I think one of his ways para maiba yung attention nya ay yung makipagkulitan sya sa iba, sa mga kaklase nya.

Mas najustify sakin yung nalaman ko before na sinabi ni Blessie.

"...susuko na daw sya..."

Naging klaro lalo sa isip ko yun.

Funny, I pushed him away and told him everything that makes him give up pero nandito pa din ako, lumalaban for an 'us' yet, the other party already gave up.

Abnormal nga yata talaga ako.

I was and I am hoping na ipaglaban nya despite ng negativities na nangyayari between samin pero hindi din naman nangyari at nanaig ang negatives sa bawat sitwasyon na nilalabanan namin.

I am hoping na sya yung magiging lakas ko pero sya yung mas nagiging hina ko.

Nilalakasan ko lang ang loob ko para harapin ang lahat.

Our very last convo was March 17, 2019 pa.

Nagtatawanan pa kami nun sa chat and all, nagkukulitan.

But now.....

It happens so fast.

Seems like the other day, nagkakilala kami at naging magkaibigan, then the next day, nagkagustuhan but today, nagkasukuan.

***********

Published: Feb. 13, 2020
Revised: June 28, 2020

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon